Balita

Liam Payne: ‘Stop linking me to women I work with’

-

NAGBIGAY ng mensahe ang dating miyembro ng One Direction boy band na si Liam Payne,

sa media at sinabihan niya ang mga mamamahaya­g na itigil na ang pagli-link sa kanya sa bawat babaeng nakuhanan nila ng litrato na kasama niya, kasunod ng hiwalayan nila ng pop star na si Cheryl.

Ayon sa Cover Media, iginiit ng singer na kaya niyang kontrolin ang mga espekulasy­on ngunit natatakot umano siyang makasama sa kanyang mga kaibigan at mga katrabaho ang mga tsismis tungkol sa kanya.

Na-link kasi si Liam sa isang “mystery” girl nitong Huwebes, nang dumating siya sa Rosewood Hotel sa London kasama ang isang hindi kilalang babae, at ngayon ay nagsalita na siya sa social media para tuldukan ang mga usapusapan tungkol sa kanyang love life.

“Isn’t it time we treat women with a bit more respect?” tweet ni Liam. Kasunod nito ay nagtweet naman siya tungkol sa mga larawan ng umano’y kanyang bagong “love interest”, na lumabas sa Daily Mail, at sinabi niyang ang babae sa larawan ay kanyang colleague.

“My team is full of talented, smart profession­al women,” sabi niya. “I find it wrong that they are reduced to being linked to me romantical­ly in the press just for simply standing next to me.

Mabilis namang nag-react ang fans ni Liam sa kanyang tweet.

Comment ng isang netizen: “We need more people like you in the music industry to call out articles when they are wrong, and address the situation directly. So proud of you Liam, thank you.” Sabi ng isa pa: “As a woman who wants to work in the music industry, I appreciate and thank you speaking out about this. women in the industry are always reduced to band members’ girlfriend­s or groupies. These hardworkin­g women deserve more respect!!!”

Naghiwalay­a sina Liam at Cheryl, ang ina ng anak niyang si Bear, noong Hulyo matapos ang kanilang dalawang taong relasyon. Simula nang break-up, ilang babae na ang ini-link kay Liam.

 ??  ?? Liam
Liam

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines