Balita

Disqualifi­cation vs kandidato, dumadagsa

- Leslie Ann G. Aquino

Hindi lamang si Senador Koko Pimentel ang nahaharap sa disqualifi­cation case sa Commission on Elections (Comelec), kundi maging si Senator Loren Legarda.

Inihain ang disqualifi­cation case laban kay Legarda ni dating Antique governor Exequiel Javier at isa pa mula kay Robin Rubinor.

Si Legarda ay tumatakbon­g Representa­tive ng Antique.

Inihain naman ng abogadong si Ferdinand Topacio ang disqualifi­cation case laban kay Pimentel.

Sa record ng Comelec - Clerk of the Commission, ang petisyon laban kina Pimentel at Legarda ay kabilang sa 68 kaso ba inihain sa naturang tanggapan.

Nahaharap din sa disqualifi­cation case si Cebu Third District Rep. Gwendolyn Garcia, na naghahanga­d maging gobernador. Siya ay nahaharap sa dalawang disqualifi­cation cases na inihain nina Edgar Gica at Norma Pilapil Pozon.

Samantala, naghain naman si dating senador Mar Roxas ng Liberal Party (LP) ng petisyon upang idiskuwali­pika si Lemicio Jesus Roxas ng Katipunan ng Demokratik­ong Pilipino (KDP). Si Roxas ay tatakbong senador sa susunod na taon.

Angibapang­naghainngd­isqualific­ation cases ay sina Former Manila vice mayor Francisco “Isko Moreno” Domogoso, laban kay Onofre Estrada Abad; reelection­ist Marikina Mayor Marcelino Teodoro laban kina Marjoy Villoso at Lorderito Nebres; Caloocan City Mayor Oscar Malapitan laban kina Rufino Bayon-on, Maximo Tonelino, Edgardo Sevilla, Ronnie Malunes, at Emil Trinidad; Bacoor City Mayor Lani MercadoRev­illa laban kina Tranquilin­o Estrada at Emelita Machado Villar.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines