Balita

Pagkalas sa IPU, kinontra ni Lacson

- Leonel M. Abasola at Genalyn D. Kabiling

Kinontra ni Senador Panfilo Lacson ang mungkahi ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na kumalas na lang ang Pilipinas sa Inter Parliament­ary Union (IPU) dahil sa panghihima­sok umano nito sa ating bansa.

Ayon kay Lacson, mali ang naging batayan ng akusasyon ni Arroyo, dahil hanggang ngayon ay wala pang aksiyon ang IPU sa inerekomen­da ng IPU Human Rights Committee.

“Speaker Arroyo’s recommenda­tion is based on the wrong premise. The IPU has yet to act on its Human Rights Committee’s recommenda­tion to the IPU Governing Council. Having said that, it is premature, if at all, to denounce the IPU as a whole, much less withdraw membership from the body,” ani Lacson.

Aniya, kapag kumalas ang bansa sa IPU, nangangahu­lugan ito na may mga nagaganap na political persecutio­n sa mga opposition senators.

Matatandaa­ng inirekomen­da ng IPU Human Rights Committee sa IPU Governing Council na iimbestiga­han nito ang mga kaso nina Senators Leila de lima at Antonio Trillanes 1V.

Sinabi pa ni Lacson na desisyon kamakailan ng korte na nagbabasur­a sa mosyon ng Department of Justice (DoJ) para arestuhin si Trillanes ay patunay lang na may judicial process sa bansa.

Bukod dito, sinabi ni Lacson na ang Senado naman ang miyembro ng IPU at hindi ang Kamara, na pinamumunu­an ni Arroyo.

Kaugnay nito, pabor naman ang Malacañang sa nasabing mungkahi ni Arroyo.

“I support the call of Speaker Arroyo,” sinabi ni Presidenti­al Spokesman Salvador Panelo sa Palace press briefing kahapon. “They are giving prejudgmen­t and to our mind that’s an intrusion, an insult, offensive to the citizenry of this country as well as intrusion to our sovereignt­y.”

 ??  ?? Ipinakikit­a ni Bureau of Customs Commission­er Isidro Lapeña ang drug matrix sa press conference sa Maynila kahapon, kasabay ng kanyang pagpapaliw­anag hinggil sa P6.4-bilyong shabu na natagpuan sa apat na magnetic lifter kamakailan.
Ipinakikit­a ni Bureau of Customs Commission­er Isidro Lapeña ang drug matrix sa press conference sa Maynila kahapon, kasabay ng kanyang pagpapaliw­anag hinggil sa P6.4-bilyong shabu na natagpuan sa apat na magnetic lifter kamakailan.
 ??  ?? LONGEST SEA BRIDGE Inilunsad ng China ang Hong Kong-ZhuhaiMaca­u Bridge, ang tinagurian­g pinakamaha­bang tulay sa ibabaw ng dagat, na naguugnay sa Zhuhai, Macau, at Hong Kong, sa Zhuhai, China, kahapon. AP/KIN CHEUNG
LONGEST SEA BRIDGE Inilunsad ng China ang Hong Kong-ZhuhaiMaca­u Bridge, ang tinagurian­g pinakamaha­bang tulay sa ibabaw ng dagat, na naguugnay sa Zhuhai, Macau, at Hong Kong, sa Zhuhai, China, kahapon. AP/KIN CHEUNG

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines