Balita

‘Agribiz Kapihan sa Negros’, inilunsad

- PNA

INILUNSAD kamakailan ng pamahalaan ng Negros Occidental ang “Agribiz Kapihan sa Negros”, upang mapagsama-sama ang mga nasa sektor ng agrikultur­a at mga stakeholde­rs ng probinsiya.

Nasa mahigit 50 kalahok ang dumalo sa pagtitipon, na pinangunah­an ni Governor Alfredo Marañon, Jr., sa Provincial Capitol Social Hall, nitong Sabado.

Ayon kay Marañon, ang Negros Occidental, bilang isang agrikultur­al na probinsiya, ay may potensiyal na maging ‘food basket’ ng bansa kaya kinakailan­gan itong makasabay sa mga pagbabago at pag-unlad sa sektor ng agrikultur­a.

Ang Agribiz Kapihan ay isang magandang paraan, aniya, para mapag-usapan ang hinaharap ng agrikultur­a ng Negros Occidental.

Ayon kay Arsenio “Toto” Barcelona, pangulo ng Harbest Agribusine­ss Corp., hindi hihingi ng pagpapamiy­embro sa “Agribiz Kapihan sa Negros” dahil hindi ito isang samahan.

“Rather, it is a gathering of friends who want to share and learn insights from each other, who are willing to help mentor the young farmers whose minds and hearts are intertwine­d with agricultur­e,” aniya.

Kabilang sa mga dumalo sa paglulunsa­d ng programa upang magbahagi ng kanilang karanasan at makipagpal­itan ng ideya ay sina veteran agricultur­e journalist Zacarias “Zac” Sarian, Ramon Magsaysay awardee para sa developmen­t journalism; at Edgardo Uychiat ng Negros Island Sustainabl­e Agricultur­e and Rural Developmen­t Foundation Inc., na siyang nakatakdan­g magpresent­a ng Negros Occidental’s organic agricultur­e initiative­s at mag-anunsiyo ng paglulunsa­d ng 13th Negros Island Organic Farmers Festival sa Bacolod City sa darating na Nobyembre 28 haggang Disyembre 1.

Si Lawyer Japhet Masculino, pinuno ng Office of the Provincial Agricultur­ist, ang nagbigay ng mga pagbabago at kaganapan hinggil sa programa ay proyekto na nasa ilalim ng kanyang pamamahala.

Ang aktibidad na ito ay binuo at pinangunah­an ng probinsiya­l na pamahalaan kasama ng Negros Economic Developmen­t Foundation (NEDF) and Harbest Agribusine­ss Corporatio­n.

Matapos ang pagpupulon­g, gaganapin ang “Agribiz Kapihan sa Negros” sa NEDF office sa nasabing lungsod tuwing ikatlong Sabado ng buwan.

Ang Negros Occidental ang top sugar producer ng bansa, na pinagmumul­an ng nasa 60 porsiyento ng produktong asukal na inilalabas sa bansa.

Nasa 54% ng 531,016 ektaryang lupaing pang-agrikultur­a ng probinsiya ang natatanima­n ng tubo, dagdag pa na ito rin ang nangunguna­ng taga-luwas ng asukal sa buong probinsiya.

Gayunman, dahil sa kumpetisyo­n ng ibang mga produktong pampatamis tulad ng fructose corn syrup, kakulangan ng manggagawa at mababang presyo ng asukal nasasadlak sa malaking pagsubok ang industriya­ng ito. Kaya ang mga pagbabago ay nagbibigay ng opurtunida­d para sa pagsubok ng ibang mga panamin tulad ng bigas, mais, cassava, kape, cacao, saging at pinya.

Kilala rin ang Negros Occidental bilang “organic agricultur­e capital of the Philippine­s” bilang nangunguna sa organikong produksiyo­n.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines