Balita

Boykot sa ‘First Love’ kinontra ng Duterte supporters

- Nitz Miralles

‘T

ILA dedma si Aga Muhlach sa isyung may nanawagang iboykot ang First Love movie nila ni Bea Alonzo dahil lang sa mga isinagot nila ng aktres sa guesting nila kamakailan sa Gandang Gabi Vice makaraang ipakita sa kanila ni Vice Ganda ang photo ni Sen. Antonio Trillanes IV.

Sabi kasi ni Aga, kahit sino ang nasa puwesto, laging may kumokontra. Sinabi rin ng aktor sa litrato ng senador na sana ay tumulong na lang ito para sa bansa natin.

Patanong naman kay Sen. Trillanes ang naging komento ni Bea kung hindi raw ba napapagod ang senador? Hindi nagustuhan ng supporters ni Sen. Trillanes at ng mga kontra kay President

Rodrigo Duterte ang isinagot ng dalawa kaya may nanawagang iboykot ang First Love.

Kaso, hindi pumayag ang supporters ni President Duterte. Kahit hindi sila fans nina Aga at Bea, at hindi nanonood ng local movies, ay sinuportah­an nila ang pelikula.

May bayanihan na nagaganap sa Facebook, dahil ‘yung mga OFW na maka-Duterte ay nagpapadal­a ng pera sa relatives nila sa Pilipinas, at kahit sa hindi nila kilala para lang panoorin ang pelikula nina Aga at Bea. Basta supporters ni Duterte, binibigyan nila ng pera para mapanood ang I

May kasunod na pelikula si Aga, na ipalalabas katambal si

Alice Dixson. May manawagan pa rin kaya na iboykot ang susunod na pelikula ni Aga? Samantala, nag-post naman ng pasasalama­t si Aga sa mga nanood ng First Love.

“It was a great and joyful ride to have done this movie. Just wanted to thank everyone who watched and continue to do so, maraming salamat sa inyong lahat! Appreciate all of you! Star Cinema, direk Olive (‘Inang’ Lamasan),

Tita Malou Santos, Viva Films, Boss

Vic and Vincent del Rosario, 1017P and everyone involved in this movie. @ paulsorian­o1017, my partner @beaalonzo it was such an amazing experience to have worked with you! Such amazing talent. Nothing but the best for you, Bea!

“What a journey it has been for me. Our God almighty, I continue to thank you, praise you and will glorify you. Your love is just perfect. Despite my many imperfecti­ons. You continue to forgive and bless me and my family. We’re on our second week now. What more can I ask for!” mahabang post ni Aga.

 ??  ?? Aga
Aga

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines