Balita

I just compete with myself—Kyline

- Ni NORA V. CALDERON Kyline

OVERWHELME­D si Kyline Alcantara, na sa edad na 16 ay sunud-sunod na blessings na ang dumarating sa kanya, in terms of projects, endorsemen­ts, at ang bonus lagi, ang mga awards na natatangga­p niya.

Nagsimula lamang ito nang pumasok si Kyline sa GMA Network at pumirma siya ng exclusive contract sa GMA Artist Center. Dahil may magandang boses, agad din siyang pumirma sa recording contract sa GMA Records. Nagkaroon agad siya ng first major concert sa SM Skydome.

First teleserye ni Kyline sa GMA ang Kambal Karibal, at gumanap siyang kontrabida ni Bianca Umali na nagbigay sa kanya ng Best Supporting Actress trophy sa katatapos lamang na 32nd PMPC Star Awards for TV at sa bagong Asian Academy Creative Awards (AACA).

Sa endorsemen­ts naman, hindi na matandaan ni Kyline kung pang-ilang endorsemen­t na niya ang pagiging Ambassadre­ss ng mga beauty products ng SimplyG (Gorgeous) Hair & Skin Care. Siya ang unang ini-launch na celebrity endorser ng beauty line. At para raw alam niyang safe gamitin ang mga produktong ii-endorse niya, si Kyline muna ang gumamit nito bago niya in-endorse sa Sunflowers (tawag niya sa fans niya) at sa lahat ng mga kababaihan.

Pero heto nga at may solo teleserye na si Kyline, ang Kidnap at na makakasama niya rito ang isa pang awardwinni­ng young actress, si Therese Malvar na isa ring Kapuso artist. Sa interview kay Kyline pagkatapos ng launch, nagbiro siyang para raw silang sina Nora Aunor at Vilma Santos sa nasabing teleserye. Si Therese daw ang Nora at siya naman si Vilma. Labanan ba ito ng aktingan?

“Hindi po naman ako nakikipag-compete sa iba, I just compete with myself,” dagdag pa ni Kyline. “Basta ang promise ko po pagbubutih­in ko ang acting ng character na gagampanan ko.”

Kung hindi kami nagkakamal­i, isinagawa na ang story conference ng teleserye na sabi’y ipalalabas sa afternoon prime block ng GMA 7 at ididirek ni Mark Reyes. Hindi pa sinabi ni Kyline kung sinu-sino ang makakasama nila ni Therese sa Kidnap.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines