Balita

Glaiza at Jasmine, todo drama sa gagawing pelikula

- Ni NITZ MIRALLES

MAGSASAMA sa pelikula ang Kapuso stars na sina Glaiza de Castro at Jasmine Curtis-Smith at sa katunayan, nagsimula nang mag-shooting si Jasmine para sa pelikula, na working title na Project: Midnight, sa direksyon ni Eduardo “Dodo” Dayao.

Parehong magaling na aktres sina Glaiza at Jasmine a t siguradong matinding drama ang mangyayari sa una nilang pagsasama sa pelikula.

Hindi mahihirapa­n ang production sa schedule ng shooting dahil walang regular soap ngayon si Glaiza at hindi muna yata niya itinuloy ang kanyang plano trip to London. Kay Jasmine naman, ang taping ng dramedy na Pamilya Roces lang ang pinagkakaa­balahan niya.

Anyways, pinuri si

Jasmine ng co-actors niya, lalo na ni Direk Joel Lamangan dahil sa mahuhusay niyang pagganap bilang si Pearl sa Pamilya Roces. Sabi naman ni Jasmine, hindi raw siya nahirapan umarte sa dramedy dahil in real life ay part siya ng blended family.

“Sa ‘Pamilya Roces’, may tatlong pamilya ang kinilala kong ama and in real life, tatlo rin ang family ng dad ko. Ang legal wife niya, nasa Australia, kami ni ate (Anne Curtis) anak ng dad ko sa second wife niya which is my mom. May third wife pa ang dad ko nasa Angeles, Pampanga,” kaswal na kwento ni Jasmine.

Ang kaibahan lang, kung sa Pamilya Roces ay nag-aaway-away ang mga asawa at mga anak ni Roi Vinzon, in real life, magkakasun­do ang wives ng dad niya. Pati silang mga anak sa tatlong asawa ay magkakasun­do rin.

 ?? Glaiza at Jasmine ??
Glaiza at Jasmine

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines