Balita

‘Wonder Woman’ sequel, sa 2020 pa

-

MAGHIHINTA­Y pa nang mas matagal ang fans ng Wonder Woman bago muling mapanood ang Amazonian hero sa big screen.

Nitong Lunes, inihayag ng Warner Bros. na ililipat nila ang DC Comics follow-up mula sa Nobyembre 1, 2019 sa Hunyo 5, 2020, ayon sa Entertainm­ent Tonight.

“We had tremendous success releasing the first Wonder Woman film during the summer, so when we saw an opportunit­y to take advantage of the changing competitiv­e landscape, we did,” lahad ni Jeff Goldstein, Warner Bros. President of Domestic Distributi­on, sa isang pahayag. “This move lands the film exactly where it belongs.”

Sa sequel na may titulong Wonder Woman 1984, ay mapapanood ang alter ego ng superhero na si Diana Prince (na gagampanan ni Gal Gadot) sa taong 1980s, gaya nga ng isinasaad ng titulo, at mapapanood dito ang pakikipagl­aban sa Soviet Union sa isang Cold War plot.

Magbabalik sa pelikula si Chris Pine bilang si Steve Trevor – sa kabila ng ‘tila pagpanaw sa unang pelikula – at Kristen Wiig na gaganap naman bilang ang super villain na si Cheetah.

Bago maging si Cheetah si Kirsten, siya ay si Barbara Minerva, isang British archeologi­st na napunta sa lost city of Urzkartaga, at aksidente siyang naging sentro ng isang ancient ritual.

Ang WW84 ang ikawalong pelikula sa DC Universe at ang ikaapat na beses na si Gal ang gaganap bilang si Wonder Woman.

 ??  ?? Gal
Gal

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines