Balita

Martin Garrix, tinagurian­g Top DJ

-

FOR the third year in a row, nasungkit ng Dutch DJ na si Martin Garrix ang top spot sa “Top 100 DJs” ng DJ Mag. Ang 22 taong gulang na DJ ang tanging nakagawa ng ganitong feat. Si Martin ang pinakabata­ng DJ na nakasungit ng No. 1 spot noong 2016 at napanatili niya ang titulo noong 2017 at ngayong 2018, ayon sa Variety.

Ginawaran si Martin ng tropeo ni DJ Mag managing director Martin Carvell sa stage ng Amsterdam Arena, sa kalagitnaa­n ng Amsterdam Dance Event.

Unang nakilala ang DJ at producer sa Animals noong 2013, isang EDM track na pinakingga­n sa buong mundo at naging dahilan upang siya ang taguriang pinakabata­ng producer na umangat sa number one sa electronic music store na Beatport.

Nakipagtra­baho na rin ang Dutch artist sa mga EDM artist gaya nina Afrojack at

David Guetta, gayundin sa mga mainstream pop artist gaya nina Usher para sa Don’t Look Down noong 2015, at Bebe Rexha para sa In

the Name of Love noong 2016. Orihinal na pumirma ng kontrata sa Spinnin’ Records, lumagda si Martin sa Sony at lumikha rin siya ng sariling label, ang STMPD RCRDS.

Kamakailan, nakipagcol­laborate siya kay Khalid para sa Ocean, gayundin sa mga kapwa DJ na sina Guetta, Loopers, at Justin Mylo. Siya rin ang nagtanghal ng headlined act sa closing ceremony ng Winter Olympics sa South Korea ngayong taon, at may kolaborasy­on din umano kay Rihanna para sa upcoming album ng singer, kasama sina Calvin Harris, Guetta, at Diplo.

 ??  ?? Martin
Martin

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines