Balita

Krog, kampeon sa Tour of Matabungka­y

- Annie Abad

MULING nagpasikat ang batang siklista na si Rex Luis Krog ng pagharian ang Tour of Matabungka­y.

Bitbit ang koponan ng Go for Gold at katuwang si Ran Cajucom, tinapos ni Krog ang karera sa 7:11.13.45 para sa overall general classifica­tion.

“Masaya po ako sa panalo na ito. Gusto ko pong i-share ito kay Ean. Nagawa po namin yung plano namin na makauna sa ibang magagaling na riders,” pahayag ng 18-anyos na si Krog.

Sumegunda kay Krog si Mark Ryan Mendoza, may 1:37 ang layo at pangatlo si Albert Primero, atrasado lamang ng 2:21.

“We are really proud of the developmen­t of our young riders. They continue to do well and we hope that it continues with more races in their schedule,’’ ayon ay Go For Gold godfather Jeremy Go.

Hindi pa dito natatapos ang karera ni Krog na siya ring silver medalist sa nakarang UCI Asian Championsh­ip, gayung muli itong papadyak sa tatlong araw na kompetisyo­n na Tour de Linggarjat­i sa West Java sa darating na Oct. 25-27.

Kasunod nito, sasabak din patungong Indonesia ang batang awardee ng Phoenix Youth Siklab Awardee.

Ayon kay Go for Gold Director Ednalyb Calitis Hualda, nakatuon ang Go For Gold sa paghubog ng mga batang talento sa kanilang paghahanda para sa 2020 Tokyo at 2024 Paris Olympics.

“Besides aiming to fulfill our dream to see a Filipino cyclist in the Olympics, our goal is to provide more opportunit­ies for less fortunate young riders to flourish and improve their lives,’’sambit ni Hualda.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines