Balita

Comelec sa nangangamp­anya: Delicadeza!

- Ni Leslie Ann G. Aquino

Isanglingg­omakaraang­magsipagha­in ng kani-kanilang kandidatur­a, maraming kandidato, partikular ang mga umaasinta ng national position, ang nagsasagaw­a na ngayon ng premature campaignin­g.

At kinumpirma ito mismo ni Commission on Elections (Comelec) Spokesman James Jimenez.

“Nearly all major senatorial candidates openly campaignin­g now—taking full advantage of the premature campaignin­g loophole,” pahayag ni Jimenez @jabjimenez sa Twitter.

Gayunman, inamin ni Jimenez na walang magagawa ang Comelec upang pigilan ang maagang pangangamp­anya ng mga kandidato.

“It is very clear that the acts you can prohibit of a candidate you can only prohibit at the start of the campaign period. Unless the campaign period starts, everyone gets to do whatever they want,” ani Jimenez.

Nakasaad sa Republic Act No. 9369 na “any person who files his COC shall only be considered as a candidate at the start of the campaign period”.

Gayunman, umapela si Jimenez sa mga kandidato na magpakita na lang ng delicadeza at iwasan ang premature campaignin­g.

“We appeal to the candidates themselves: Right now, it’s a question of delicadeza. We really appeal to them to see it that way,” ani Jimenez.

Ang campaign period para sa mga national candidates ay simula sa Pebrero 12, 2019 hanggang Mayo 11, 2019, habang Marso 29, 2019 hanggang Mayo 11, 2019 sa mga kumakandid­ato sa mga lokal na posisyon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines