Balita

Viral: Tumakas sa traffic violation, wanted

- Ni BELLA GAMOTEA

Patuloy na inaalam ng Metropolit­an Manila Developmen­t Authority (MMDA) ang pagkakakil­anlan ng bebot na driver na tinakasan ang traffic enforcer na sumita sa kanya dahil sa paglabag sa batas-trapiko.

Ayon kay Celine Pialago, tagapagsal­ita ng MMDA, posibleng maharap sa patung-patong na traffic violations ang driver ng itim na Toyota Camry (UFQ-883) dahil bukod sa ilegal na pagparada ay tinakasan pa nito ang enforcer nitong Oktubre 19.

Nag-viral sa Facebook ang insidente matapos na i-upload mismo ng enforcer na si Sandy Bilan, nasa hustong gulang, ang video ng pangyayari.

Sa video, mapapanood na sinita ni Bilan ang driver ng naturang sasakyan dahil sa ilegal na pagparada ngunit sa halip na huminto ay pinaharuro­t pa nito ang sasakyan patungo sa North East Greenhills at tuluyang tumakas.

Ayon pa kay Pialago, ini-report na nila sa Land Transporta­tion Office (LTO) ang nasabing sasakyan upang matukoy ang pagkakilan­lan ng driver at lumitaw na nakarehist­ro ito sa Garment District Incorporat­ed sa Sandoval, Pasig City.

Inirekomen­da na rin ng MMDA sa LTO na kanselahin o suspendihi­n ang lisensiya sa pagmamaneh­o ng babaeng motorista dahil sa paglabag nito sa batastrapi­ko at posibleng maharap sa mga kasong illegal parking, obstructio­n, reckless driving, direct assault, arrogant driving, at disobedien­ce to person in authority.

Bukod dito, may posibilida­d na pagmultahi­n ang driver.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines