Balita

Pia, bawal tanungin tungkol kina Gerald at Bea

- Ni DINDO M. BALARES

SOSYAL ang launching sa 2015 Miss Universe na si Pia Wurtzbach bilang newest Ginebra San Miguel calendar girl nitong nakaraang Martes ng gabi sa Isla Ballroom ng Edsa Shangri-La. Extra special ang pagkuha ng kompanya kay Pia na itinaon para sa kanilang 185th anniversar­y sa 2019. Tinumbasan naman ito ng beauty queen ng masinsinan­g araw-araw na workout sa gym, dahil pakiramdam niya ay tumaba na siya. Humingi siya ng sapat na panahon para maibalik ang kanyang Miss Universe figure. Binalikan niya ang kanyang trainor nang sumabak siya sa Miss U pageant.

“My trainor who’s actually also the one who trained me for Miss Universe, based in Australia,” kuwento ni Pia. “So, sa app lang kami nag-uusap, and then… it’s really about the discipline you know.” Feeling ng beauty queen, mas gumanda pa ang katawan niya kaysa noong sumali siya sa pinakasika­t na paligsahan.

“I told myself na I wanna make this a thing now na hindi lang dahil nagprepare ako for a shoot. But I wanna continue na healthy living na talaga.”

Naikuwento rin niya na may inihahanda­ng reality show ang ABS-CBN na gagawin niya. May nagtanong kung si

Gerald Anderson ang makakasama niya, pero hinarang ito ng babaeng nakatabi kay Pia. Pati ang sumunod na isa pang tanong, binara rin.

Ganoon din ang follow-up question tungkol kay Bea Alonzo, namatatand­aang laman ng gossip items na may galit daw pala sa kanya. Hayun, sa halip na ma-sustain ang napakagand­ang event, pagkaasar sa tagasangga ni Pia ang usap-usapan ng media people na kumober.

 ??  ??
 ??  ?? Pia
Pia

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines