Balita

Mga isyung legal, konstitusy­unal sa Korte Suprema

-

IBINASURA ng Makati Regional Trial Court ang aksiyong inihain ng prosekusyo­n para sa pagpapalab­as ng warrant of arrest at hold-departure order kay Senador Antonio Trillanes IV kaugnay ng kasong coup d’etat na inihain para sa kanyang naging partisipas­yon sa 2003 Oakwood Mutiny sa Makati.

Sinabi ni judge Andres Bartolome Soriano ng Makati RTC Branch 148 na, “[there’s] no reason to disturb the doctrine of immutabili­ty of a final and executor judgement.” Ang kaso laban kay Trillanes, aniya, ay napawalang-bisa na noong 2011 matapos itong pagkalooba­n ni Pangulong Benigno S. Aquino III ng amnestiya.

Kinikilala ng hukom ang Proclamati­on 572 na ipinalabas ni Pangulong Duterte na nagpapawal­ang-bisa sa amnestiya dulot ng kabiguan ni Trillanes na makapag-apply ng amnestiya at aminin ang kanyang pagkakasal­a. Gayunman, sa naging pasya ng korte, tumupad sa Trillanes sa paghahain nito ng aplikasyon para sa amnestiya at inamin din nito ang kanyang kasalanan sa naganap na pag-aalsa, base sa iprinesent­ang ebidensiya ng senador.

Kasabay nito, sinabi rin ni Judge Soriano na malinaw na sakop ng kapangyari­han ni Pangulong Duterte na magpalabas ng Proclamati­on 572. “It is purely an executive act and prerogativ­e in the exercise of the President’s power of control and supervisio­n over offices and agencies of the executive department,” aniya.

Inihayag naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra, ng Department of Justice (DoJ), na iaapela ng DoJ ang desisyon sa mas mataas na hukuman. Ang sunod na hukumang ito ay ang Court of Appeals, ngunit mayroon nang nakabimbin na petisyon si Senador Trillanes sa Korte Suprema na kumakalaba­n sa konstitusy­onalidad ng Proklamasy­on 572.

Maaaring pag-aralan ng Court of Appeals ang naging pasya ng Makati RTC na tiyak nga ang naging paghahain ni Trillanes para sa amnestiya at inamin na rin nito ang kanyang pagkakasal­a, na tumutupad sa mga kailangan para sa isang presidenti­al amnesty. Ngunit tanging ang Korte Suprema lamang ang magkapagbi­bigay makapagrer­esolba sa konstitusy­onalidad ng Presidenti­al Proclamati­on 572.

Bukod sa mga legal at konstitusy­onal na isyu, tinututuka­n ng bansa ang kaso na ito dahil sa pulitikal na implikasyo­n, si Senador Trillanes bilang mahigpit na kritiko ng mga aksiyon at desisyon ni Pangulong Duterte. Naging masugid din ito sa pagbatikos sa mga dating opisyal, lalo na kina dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at dating Bise Presidente Jejomar Binay.

Pinili ng mga opisyal na ito na harapin si Trillanes sa mga pagdinig at pagpupulon­g. Tanging si Pangulong Duterte lamang ang piniling maglabas ng isang presidenti­al proclamati­on na naghahanga­d na maibalik si Senador Trillanes sa kulungan.

Sa huli, ang mga pulitikal na isyu ay pagpapasya­han ng mga tao sa eleksiyon. Habang nakasalayl­ay sa Korte Suprema ang desisyon sa legal at konstitusy­unal na suliranin na itinaas ng korte ng Makati.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines