Balita

Kyline, matsa-challenge sa ‘Kidnapped’

- Ni NITZ MIRALLES Kyline Pauline

GINANAP kahapon ang storycon ng Kidnapped, ang bagong teleserye na pagbibidah­an ni Kyline Alcantara. Ang nasabing serye ang bagong project na binanggit ni Kyline sa launching niya bilang unang celebrity endorser ng Symply G Shampoo, hindi pa lang niya ma-elaborate ang istorya ng serye dahil wala pang storycon.

Kabilang sa makakasama ni Kyline sa Kidnapped sina Gabby Eigenmann, Angelika dela Cruz, Angelu de Leon, Marvin Agustin, Therese Malvar at Sunshine Dizon. Si Migo Adecer naman ang leading man na pag-aagawan nina Kyline at Therese. Sa direksiyon ni Direk Mark Reyes, sinasabing ang Kidnapped ay ilalagay sa afternoon time slot.

Panibagong challenge ito kay Kyline dahil karamihan sa cast, maliban kay Marvin, ay hindi pa niya nakakatrab­aho. Magkasama sila sa Kambal Karibal at gumanap pang adoptive father ng young actress. Makikita sa list ng mga makakasama ni Kyline na kilala silang mahuhusay na aktres at nagmamarka sa viewers ang bawat karakter na ginampanan ng mga ito.

Samantala, dadalo sina Kyline at Miguel Tanfelix sa Asian Academy Creative Awards na gaganapin sa Singapore sa December 6 at 7. Matatandaa­ng nagwagi si Kyline bilang Best Actress in a Supporting Role at si Miguel naman ang Best Actor in a Leading Role, dahil sa kanilang pagganap sa Kambal Karibal.

Si Gabby ay wagi ng Best Actor in a Supporting Role para sa kanyang karakter sa Contessa.

Pare-parehong national winners ang tatlo na kinatawan ng bansa at makakalaba­n nila ang iba pang mga nagwagi na kinatawan naman ng iba pang Asian country.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines