Balita

Kim Hyun-joong, bibida ulit sa drama

- Ni JONATHAN HICAP

MAPAPANOOD na ulit ang Korean actor na si Kim Hyun-joong sa isang drama makaraan ang apat na taon.

Ang 32 taong gulang na aktor ang bibida sa fantasy drama na When Time

Stopped, na nagsimula nang umere kagabi, Oktubre 24, sa KBS W.

Ito ang una niyang drama project sa loob ng apat na taon matapos niyang lumabas sa Inspiring Generation noong 2014. Nang taong iyon, nagsampa ng kasong assault ang dati niyang girlfriend laban sa kanya at nang sumunod na taon, ibinunyag nitong buntis siya at anak ito ni Kim Hyun-joong.

Sa kabila ng scandal, na-enlist si Kim Hyun-joong sa military noong Mayo 2015 at nakalabas noong Pebrero nang nakaraang taon. In April last year, nasangkot naman siya sa kasong driving under the influence (DUI). Nitong taon naman, hinatulan ng korte ang kanyang dating nobya na guilty of fraud sa kasong isinampa ng aktor laban dito.

Sa press conference para sa drama, sinabi ni Kim Hyun-joong said, “It’s not the most comfortabl­e thing to be here now, personally. I want to be as honest as possible with the press as well as promoting the show.”

“I couldn’t do anything while in the military about the things that went on outside,” dagdag pa niya, ayon sa K-pop Herald.

Binanggit din ni Kim Hyun-joong na habang kinumuplet­o niya ang kanyang military service, “I had time to focus on myself and contemplat­e how I could do better. After conscripti­on, things (outside the military) were a bit different from my expectatio­ns. It’s a little overwhelmi­ng to face the reality.”

Aniya “(he) thought about whether my life was a failure and what I could do to find happiness.”

“That’s why I decided to do music and acting again. These days I just want to be happy in the moment without worrying too much about the future,” sabi pa niya.

 ??  ?? Kim Hyun-joong
Kim Hyun-joong

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines