Balita

Ryan Murphy, nag-donate ng $10M sa ospital na gumagamot sa anak

-

NAG-DONATE ng malaking pera ang producer na si Ryan Murphy sa ospital na gumagamot sa sakit na cancer ng anak.

Ayon sa Huffpost, inanunsiyo ng co-creator ng American Horror

Story at Glee nitong Lunes na magdo-donate siya ng

$10 million sa Children’s Hospital Los Angeles, kung saan ginagamot ang anak niyang si Ford sa sakit niyang “often-fatal” na uri ng pediatric cancer.

Sinabi ni Ryan na nagsimula ang pakikipagl­aban ni Ford sa sakit dalawang taon na ang nakalipas, nang madiskubre ng mga doktor ang abdominal tumor “the size of a tennis ball” at ma-diagnose ang bata na mayroong neuroblast­oma.

Sumasailal­im ang monster truck-loving boy ang “huge surgery and several difficult procedures,” post ni Ryan sa Instagram. Aniya, nananatili­ng malakas ang husband niyang si David Miller, gayundin di Ford.

“I was always a trembling wreck,” sabi pa ni Ryan. Kalaunan ay ibinalita rin ng Pose ang the best news of all tungkol sa kanyang anak, na katatapos lamang magdiwang kanyang ikaapat na kaarawan.

“Today he is thriving,” aniya, at pinasalama­tan niya ang ospital. Lumagda si Ryan ng $300 million deal sa Netflix ngayong taon, at mabuti ang ginagawang pagbabalik ni Ryan sa publiko ng mga natatangga­p niyang biyaya. Samantala, sumailalim ang anak ng talk show host na si Jimmy Kimmel,Si Billy, sa open heart surgery kahit kasisilang pa lamang sa Children’s, at nag-donate rin siya ng $1 million sa ospital nitong nakaraang linggo, ulat ng Deadline.

 ??  ?? Ford
Ford
 ??  ?? Ryan
Ryan

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines