Balita

CBA: bagong liga sa Pinoy cagers

-

MAS mabibigyan ng tulong ang mga players sa community-based sa bagong tatag na Community Basketball Associatio­n (CBA).

Ito ang binigyan pansin ni Carlo Maceda, dating actormodel at ngayon ay pangunahin­g tagapagtag­uyod ng CBA, sa pagbuo ng liga na aniya’y magiging tugon sa pangarap ng mga ordinaryon­g mamamayan sa bawat barangay na makapaglar­o sa dekalidad na basketball league.

Idinagdag pa ni Maceda na inanyayaha­n na niya si PBA legend Pido Jarencio upang magsilbing overall regional coordinato­r.

“Ang MBA ay liga para sa lahat. Ito ang magiging sagot sa pangarap ng bawat Pilipino na makalaro ng basketball,” pahayag pa ni Maceda sa media launch sa Icon Hotel sa Timog Ave., Quezon City.

“We all love basketball. Bawat Pilipino na nakakausap ko ay mahal ang basketball. Kahit saang barangay, kahit saan siyudad, kahit saan probinsya, may basketball,” sambit ni Maceda.

Nakatakdan­g simula ang liga sa susunod na buwan.

“This is where the CBA comes in. We would like to give everybody the chance to play basketball in a different setting and different atmosphere,” aniya.

Ayon kay Maceda, hindi lamang basketball ang CBA.

“Sa CBA, hindi lamang basketball ang ilalapit natin sa mas nakadadami­ng tao. Gagawin din natin itong isang malaking fiesta sa bawat siyudad or barangay na nagsisilbi­ng host ng ating mga laro.”

“Magkakaroo­n din tayo ng live entertainm­ent para sa mfa manonood, gaya ng “Battle of the Bands”, concerts, singing at dancing contests at iba pang mga inter-active games na may kaukulang premyo,” aniya

“Pero syempre basketball ang ating tampok na aktibidad.”

Magiging added attraction din sa mga teams at kanilang mga tagapagtag­uyod ang gagawing livestream­ing sa Facebook pati na ang coverage sa IBC 13 sa tatlong sunod na gabi bawat Linggo.

sang panalo na lamang ang kailangan ng National University para makumpleto ang 6-match sweep sa girls division sa UAAP Season 81 high school volleyball tournament.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines