Balita

IP Games sa Benguet

- Ni ANNIE ABAD PORMAL

KABUUANG 500 kabataan – sasabak sa tatlong dibisyon elementary, secondary at open – ang makikibaha­gi sa gaganaping Indigenous Peoples Games sa Oktubre 26-29 sa Kapangan, Province sa Benguet.

Ipinahatid ni Philippine Sports Commission (PSC) Commission­er Charles Raymond A. Maxey, oversight commission­er sa nasabing proyekto, sa lokal na pamahalaan at sa mga lider ng katutubong tribo ang pakikiisa sa naturang programa na naglalayon­g na parangalan ang Indigenous Peoples at panatilihi­n buhay ang kanilang mga tradisyon at mga laro.

“Everything’s set for our fourth leg. The games will be held in the Municipali­ty of Kapangan as requested by Benguet Governor Crescencio Pacalso,”pahayag ni Maxey.

Masinsin ang paghahanda sa ikaapat na yugto ng IP Games, tampok ang serye ng coordinati­on meeting kasama ang mga kinatawan ng pamahalaan­g panlalawig­an ng Bengue, Kapangan Sanggunian­g Bayan (SB) members, Sanggunian­g Kabataan (SK), at Local Tribal Council para masiguro ang maayos na pagsasagaa ng programa.

Kabuung 16 katutubong laro ang nakatakdan­g paglabanan sa nasabing kompetisyo­n ayon kay Benguet Provincial Sports Coordinato­r Dean Mark Monang, kabilang ang pakwel, sidking aparador, sidking bado, patintero, tiklaw, palsi-it, kadang-kadang, ginuyudan, kayabang, pangke, sanggol, pallot, dad-an di pato, sungka, at dama.

“We’re very excited to witness the culture of the peoples from Benguet,” ayon Maxey.

Inaaahan ang pagdalo ni Benguet Gov. Crecencio Pacalso kasama si Mayor Manny Fermin sa opening ceremony.

Pangunguna­han ng mga elders ng Kapangan Tribal Council, ang panimulang programa para sa opening ng palaro sa Sabado.

Kasabay nito ay isasagawa ang IP Games Photo exhibit contest.

 ??  ?? na ilalarga ang Indigenous Peoples Games sa Benguet sa Oktubre 26-28 matapos ang final coordinati­on meeting ng Philippine Sports Commission (PSC), sa pangangasi­wa ni Commission­er Charles Raymond Maxey, na kinatawan nina Executive Assistant Karlo Paolo Pates at Senior Sports Officer Charlie Esquivel at mga opisyal ng pamahalaan­g panlalawig­an ng Benguet at Sanggunian­g Panlalawig­an. Ipaparada ang mga tradisyuna­l na sports na pakwel, sidling aparador, sidling bado, patintero, tiklaw, prisoner’s base, palsiit, kadang-kadang, ginuyudan, kayabang, pangke, sanggol, pallot, dad-an di pato, songka, at dama.
na ilalarga ang Indigenous Peoples Games sa Benguet sa Oktubre 26-28 matapos ang final coordinati­on meeting ng Philippine Sports Commission (PSC), sa pangangasi­wa ni Commission­er Charles Raymond Maxey, na kinatawan nina Executive Assistant Karlo Paolo Pates at Senior Sports Officer Charlie Esquivel at mga opisyal ng pamahalaan­g panlalawig­an ng Benguet at Sanggunian­g Panlalawig­an. Ipaparada ang mga tradisyuna­l na sports na pakwel, sidling aparador, sidling bado, patintero, tiklaw, prisoner’s base, palsiit, kadang-kadang, ginuyudan, kayabang, pangke, sanggol, pallot, dad-an di pato, songka, at dama.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines