Balita

Kalimutan na ang National Artist na ‘yan—Nora

- Ni REGGEE BONOAN

MARTES nang pumutok ang balitang hindi na naman napili si Nora Aunor bilang National Artist 2018. Kasunod nito ay nagwawala na ang mga Noranians dahil nalampasan na naman ang nagiisang Superstar.

Ang filmmaker na si Kidlat Tahimik ang kinilalang National Artist for Film

Habang pinapanood naman namin ang TV Patrol nitong Miyerkules nang gabi, kung saan iginawad ni President Rodrigo R. Duterte ang award kay Kidlat, marami kaming natanggap na mensahe mula sa ilang Noranians at galit sila. Gusto nilang ipasulat ang kanilang nararamdam­an, pero kinalma namin sila at sinabihang si Nora na lang ang kukuhanan namin ng reaksiyon. Nagpadala naman si Nora ng official statement sa media: “Ako po ay nagpapasal­amat sa lahat ng mga NORANIANS at kaibigang nagtitiwal­a sa aking kakayahan at kontribusy­on sa sining at kultura.

“Hindi ko po ito hinahangad at dahil talaga namang wala ang isang hamak na Nora Aunor kung wala po ang mga NORANIANS at ang mga kasamahan ko sa industriya­ng musika, entablado at pelikulang Filipino noon at ngayon, na maraming magagaling at

matatalino­ng “Sapat na taong po ang humubog respetong natatangga­p ko sa sa aking talento. mga kasamahan ko sa trabaho. Kung gagamitin lang naman ang National Artist para pagpiyesta­han at hamakin ang mga personal kong pagpupunya­gi sa buhay – ako na ang nakikiusap na itigil na po natin ang lahat nang ito.

“Ano ba naman ang isang a award kung kapalit naman nito’y ang paulit-ulit na paghamak sa pagkatao ko at sa mga taong naniniwala sa akin? Mas makabubuti pong ipagpatulo­y na lang natin ang paglikha ng makabuluha­ng pelikula at mga awit na magsisilbi­ng inspirasyo­n sa ating mga Filipino

“Mas matutulung­an natinang mga bagong filmmakers at mga bagong mang-aawit kasama ang mga beteranong aktor at aktres, mga direktor, mga manunulat, na mapagbuti ang ka nilang sining.

“Hindi ako ang binastos at pinaglarua­n nila kungdi ang mga Noranians, mga taong nagtitiwal­a at naniniwala pa rin sa talentong i ibinigay ng Diyos sa akin. Isa pa, hindi kasi ako pulitikong tao.

“Tuloy lang ang buhay. Tuloy ang trabaho hangga’t binibiyaya­an pa rin ako ng Diyos para makapagtra­baho. Kaya sa mga minamahal kong mga Noranians at mga kaibigan huwag na kayong malungkot o masaktan.

“Kalimutan na natin ang National Artist na ‘yan. At para maging masaya ang buhay natin manood na lang kayo ng Onanay, Lunes ha nggang Biyernes sa Channel 7. CHEERS!!!”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines