Balita

Bianca at Ruru, nagsolo sa Japan?

- Ni NITZ MIRALLES

SPOTTED na magkasama sa Japan sina Ruru Madrid at Bianca Umali, na ikinatuwa ng RuBi (Ruru at Bianca) shippers. Para sa kanila, ang Japan trip ng dalawa ay kumpirmasy­on ng matagal nang tsismis na kundi man may ligawang nangyayari ay may relasyon na talaga ang dalawang Kapuso artists.

Natuloy din ang dream Japan trip ni Bianca, pero hindi ang ka-love team at rumored exboyfrien­d niyang si Miguel Tanfelix ang kanyang kasama, kundi si Ruru.

Maaalalang noong 18th birthday ni Bianca, niregaluha­n siya ni Miguel ng two tickets to Japan, pero hindi lang nakabiyahe ang dalawa that time dahil ginagawa nila ang Kambal Karibal.

Kung natuloy man na umalis sina Miguel at Bianca, may kasama silang relative ni Bianca, pero sa Japan vacation nina Bianca at Ruru ay parang silang dalawa lang. Pinayagan ng lolo at mga kamag-anak ni Bianca na sumama siya kay Ruru.

Umalis din si

Miguel noong isang araw, pero hindi sinabi kung saan siya pupunta. Kung sa Japan din siya nagbakasyo­n, magkita kaya sila nina Ruru at Bianca?

Pero huwag na nating asahan na aamin sina Ruru at Bianca sa kanilang relasyon, dahil tiyak namang hindi sila aamin. Ilang beses na naming sinubukang mapaamin si Ruru, pero ang husay umiwas ng aktor.

Kaso, halatang in-love siya kay Bianca, at mistulang sila na nga ang bagong real love team ng GMA-7.

 ??  ??
 ??  ??
 ?? Bianca ??
Bianca

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines