Balita

BoC Chief Lapeña, ‘di magre-resign

- Ni Argyll Cyrus B. Geducos May ulat nina Beth Camia at Mary Ann Santiago

Nagpahagin­g kahapon si Bureau of Customs (BOC) Commission­er Isidro Lapeña na hindi siya magbibitiw sa posisyon sa kabila ng maraming panawagan para rito kaugnay ng aabot umano sa P11-bilyon shabu shipment na nakalusot sa kanyang ahensiya noong Agosto.

Ito ang inihayag ni Lapeña kahapon, isang araw makaraang magbago siya ng isip ang sabihing naniniwala siya na shabu nga ang laman ng apat na magnetic lifters na nadiskubre sa GMA, Cavite noong Agosto.

“The President placed me there (BoC) to accomplish a mission, and that is to stop corruption and increase revenue collection. I have been delivering,” sinabi ni Lapeña sa press briefing sa Malacañang kahapon.

MAGPAPAIMB­ESTIGA

Sinabi rin niyang handa siyang sumailalim sa imbestigas­yon ng Senado at Kamara kaugnay ng usapin.

“I will submit myself to the result of that investigat­ion. I will abide kung ano ang magiging resulta ng mga investigat­ion na ito. And exactly, I did,” ani Lapeña.

Sinabi rin ng hepe ng BoC na hindi pa sila nakakapag-usap ni Pangulong Duterte tungkol sa isyu, bagamat tiniyak niyang magsusumit­e siya ng report kay Executive Secretary Salvador Medialdea kahapon.

NAKUMBINSE Samantala, sinabi ni Lapeña na ang paliwanag ng Department of Public Works and Highways (DPWH) tungkol sa lifter ang nakapagbag­o ng kanyang isipan—makaraan ang ilang buwang paggiit na walang shabu ang mga nasabing container, taliwas sa iginigiit naman ni Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino.

“Because the DPWH presentati­on presented that the four magnetic lifters were not designed to lift scrapped metal. It was designed to conceal cargo,” paliwanag ni Lapeña. “We are talking of the technical examinatio­n of the apat na magnetic lifter. Ang (The) PDEA has no expertise to examine that way. It is the DPWH.”

NASA P11 BILYON LAHAT Gayunman, kinontra pa rin ni Lapeña ang bagong taya ni Aquino na aabot sa may kabuuang P11 bilyon, at hindi P6.8 bilyon lang, ang laman ng apat na magnetic lifter.

“Ang sinasabi lang naman dati P6.8 billion, eh. Hindi ko alam kung bakit naging P11 billion,” aniya. “We have to do some computatio­n dito. Do the arithmetic, and you will not arrive at more than 1,000 [kilos].” Sinabi naman ni Aquino na muling tinimbang ng PDEA ang apat na lifter at natuklasan­g gumaan ito ng mahigit 1.6 tonelada, o 1,600 kilo, kumpara sa idineklara nilang bigat sa bill of lading ng BoC.

“Ang lumabas doon sa ating pagtitimba­ng, re-weighing doon sa apat na magnetic lifters, lumabas doon ay 1,618.8 kilos. So i-multiply mo ‘yun ng P6.8 milyon bawat kilo, it will turn out to become P11 billion worth of drugs,” sabi ni Aquino.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines