Balita

Putin nagbabala ng bagong ‘arms race’

-

MOSCOW (AFP) – Nagbabala si President Vladimir Putin nitong Miyerkules ng panibagong arms race kapag umurong ang America sa weapons treaties, at bubuwelta ang Russia sa anumang US missiles na ilalagay sa Europe.

Nitong weekend, ikinabahal­a ng mundo ang pahayag ni US President Donald Trump na ibabasura niya ang Cold War-era nuclear weapons pact, ang tatlong dekadang Intermedia­te-Range Nuclear Forces Treaty (INF).

Nagsalita matapos tanggapin ang national security advisor ni Trump na si John Bolton nitong Martes, nagbabala si Putin na ang pag-aabandona sa treaty, at hindi pagpapalaw­ig sa isa pang arms control agreement na kilala bilang New START, ay magbubunso­d ng panibagong arms race at ilalagay sa panganib ang Europe.

Sinabi ni Putin na ang paglansag sa global arms control system ay ‘’very dangerous,’’ idinagdag na nababahala ang Russia sa katotohana­n na inabandona na ng United States ang Anti-Ballistic Missile treaty, binabalak na ibasura ang INF, at malabo ang kinabukasa­n ng New START.

‘’There would be nothing left except an arms race,’’ aniya sa news conference matapos ang pag-uusap nila ni Italian Prime Minister Giuseppe Conte.

Sinabi ng Russian president na kapag kumilos ang Washington para abandonahi­n ang INF at maglagay ng mas maraming missiles sa Europe, tutugon ang Russia ‘’in kind.’’

‘’Will we be able to respond?’’ aniya. ‘’Yes, we will and this will be very quick and effective.’’

Sinabi ni Putin na ang anumang bansang European na pumayag na paglagyan ng US missiles ay mangangani­b sa pag-atake ng Russia.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines