Balita

Duterte: I will not follow America to a T

- Genalyn D. Kabiling

Itinuturin­g pa rin ng Pilipinas ang United States na kaalyado ngunit hindi susunod sa lahat ng kagustuhan ng Amerika, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Miyerkules.

Ito ang ipinahayag ng Pangulo matapos tanggihan ang opisyal na imbitasyon na bumisita sa United States para makipagkit­a sa mga lider ng gobyerno nito.

“We were allied always. We have always been but you know, it’s not kind of that I will follow America to a T, all of it so I distance myself from policies,” sinabi ng Pangulo sa Philippine Quality Award and Conferment ceremony sa Malacañang nitong Miyerkules.

Isiniwalat ni Duterte na nakatangga­p siya ng liham mula sa tatlong Cabinet members ni US President Donald Trump para bumisita sa Amerika ngunit tinanggiha­n niya ito. Ang tinutukoy niya ay ang mga liham na nilagdaan nina Secretary of State Mike Pompeo, Secretary of Commerce Wilbur Ross at Secretary of Defense James Mattis na humihiling na makadiyalo­go ang gobyerno kaugnay sa planong bumili ng defense equipment.

“Ngayon three, Mattis, Pompeo and the other one wrote me a letter. In one letter they signed asking me to visit ganun --- America. S***”ani Duterte.

“Sabi ko ‘No, there will never be a time that I will go to America. Tapos na ang America --- I’ve seen it,” aniya.

Nagpahayag din ng pagkabahal­a si Duterte sa plano ng US na isama ang anti-China clause sa planong free trade agreement sa Pilipinas.

Nababahala siya na maaaring lilimitaha­n nito ang masiglang trade relations ng bansa sa China, na aniya ay muling sumigla sa ilalim ng kanyang pamamahala sa kabila ng umiiral na territoria­l dispute.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines