Balita

Dalawang drug suspects, kalaboso

- Jhon Aldrin Casinas

Naaresto ang dalawang drug suspects sa magkahiwal­ay na buybust operation sa Marikina City at Pasig City, nitong Miyerkules ng gabi.

Unang naaresto si Jover Barriga, 39, ng Barangay Concepcion Uno, Marikina City.

Sa imbestigas­yon, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga miyembro ng Marikina City Station Drug Enforcemen­t Unit (SDEU) laban kay Barriga, dakong 7:51 ng gabi.

Bumili ang poseur-buyer at informant ng P500 halaga ng shabu mula sa suspek.

Matapos ang transaksiy­on, sumulpot ang mga tauhan ng SDEU at inaresto si Barriga.

Gayunman, pumalag ang suspek at tumakbo sa kanyang bahay, ayon sa awtoridad.

Nagkaroon ng habulan sa pagitan ni Barriga at ng SDEU team hanggang sa tuluyang nadamba ang suspek sa loob ng kanyang bahay, dakong 8:45 ng gabi.

Bago ang operasyon, nakatangga­p ng tip ang mga pulis na isang “Oliver” na kalaunan ay natukoy na si Barriga ang sangkot sa pagbebenta ng ilegal na droga sa Barangay Concepcion Uno.

Narekober sa operasyon ang limang pakete ng hinihinala­ng shabu at buy-bust money.

Samantala, isang 39-anyos na lalaki na kabilang sa drug watchlist ng Pasig City Police ang dinakma, dakong 11:00 ng gabi.

Nahuli ng anti-narcotic operatives si Wilfredo Tamayo, ng Bgy. Pineda, Pasig.

Sa ulat, nakabili ang isang undercover police ng P200 halaga ng umano’y shabu mula kay Tamayo.

Narekober sa suspek ang apat na pakete ng hinihinala­ng shabu at buybust money.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines