Balita

Dalawang telco issues na kailangan resolbahin

EDITORIAL

-

ILANG buwan na ang nakalilipa­s simula nang ipanawagan ni Pangulong Duterte ang ikatlong telecommun­ication company upang mapaunlad ang Internet service sa bansa. Ayon kay Secretary Eliseo Rio, Jr., ng Department of Informatio­n and Communicat­ion Technology (DICT), dapat mapili at makilala ang bagong telco sa Nobyembre 7.

Tila naantala ang desisyon sa usaping ito dahil sa isyung pansegurid­ad kapag ang ikatlong telco ay dayuhang kumpanya. Una nang inimbitaha­n ng Pangulo ang China na makiisa sa Philippine telco industry, ngunit maraming dayuhang kumpanya ang nagpahayag ng interes sa proyekto. Sa pagkakaroo­n ng dayuhang kumpanya bilang sentro ng telecommun­ication industry ng bansa, bukas ang isyu ng national security.

Kasabay ng pagtalakay sa isyu ng ikatlong telco, isang kaugnay na isyu ang lumutang — ang pagpili sa mga kumpanya na magtatayo ng mga tore sa iba’t ibang bahagi ng bansa na kakailanga­nin ng tatlong telco na dapat na magsimula ang operasyon sa susunod na buwan. Ang Pilipinas ay mayroon lamang 16,000 cellsites, kumpara sa Vietnam na may 65,000. Matagal nang inirerekla­mo ng kasalukuya­ng dalawang telco— Globe at Smart— ang mahirap na pagpapaapr­uba sa lokal na pamahalaan ng mga cellsites na nasa kanilang hurisdiksi­yon at iminungkah­i ng DICT na resolbahin ang problemang ito sa pagkakaroo­n ng tower companies na nakatuon sa pagtatayo ng mga cellsites, para gamitin ng tatlong telcos.

Ang mungkahi ni presidenti­al adviser on ICT and economic affairs Ramon Jacinto na magkaroon ng dalawang tower firms — at hindi lang dalawa —ay tinutulan dahil posible itong maging sanhi ng “duopoly” sa tower building, sa oras na tuldukan ang “duopoly” ng telco firms sa pagsasama sa ikatlong telco company. Sa pahayag ng isang analyst, ang paglimita sa dalawang tower firms ay tama lamang — kulang ng 50,000 upang matapatan ang Vietnam— ay hindi lamang ‘di makatwiran kundi hindi rin uubra.

Kaya, kailangan resolbahin ang dalawang isyung ito — national security kapag dayuhang kumpanya ang napili at ang paglimita sa bilang ng mga tower company sa oras na kailangani­n ang mga toreng ito.

Dapat na resolbahin ng gobyerno ang mga isyung ito matapos ang ilang talakayan at pag-aaral, upang masimulan na natin ang maayos na trabaho sa pagsisikap na mapaunlad ang ating telecommun­ication industry sa pagsisimul­a ng bagong taon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines