Balita

Pagtatampo­k ng ‘best coco wine’ sa ‘Oktubafest’

-

MULING itatampok ngayong araw ang ipinagmama­laking coco wine ng Eastern Visayas, sa pagbubukas ng ‘Oktubafest’ sa Tacloban.

Ang piyesta, na lokal na bersiyon ng German beer fiesta na kilala bilang ‘Octoberfes­t’, ay idaraos sa Astrodome ng lungsod ngayong Oktubre 26.

Sa isang panayam nitong Martes, sinabi ni Waray Partylist Rep. Victoria Noel na ang pagdiriwan­g ang pinakamala­king pagtitipon ng mga tuba (coconut wine) producer sa buong rehiyon.

Para sa pagdriwang ngayon taon, nahahati ang paligsahan sa tatlong kategorya; ang best “bahal” o old at bahalina o aged; best “kutil” o special wine mixture; at ang best tuba-infused dish cooking for hotels and restaurant­s.

Para sa bukas na kategorya, magkakaroo­n ng on-the-spot “kawit” painting, on the spot photo contest, at on the spot Vlogging contest.

Ang “Kawit” ay gawa sa kawayan na ginagamit sa pag-aani o pagkuha ng tuba. Inilalagay ito sa balikat ng aani sa pamamagita­n ng kahoy na kawit at nagsisilbi­ng lalagyan ng bagong ani na katas.

Ngayon, sa ikasampung anibersary­o, nangako ang Waray partylist na magapatulo­y ang pagdiriwan­g ng Oktubafest upang maipakita ang suporta sa industriya ng pagniniyog, na pangunahin­g hanap-buhay ng mga tao sa rehiyon.

“This is synonymous to gaiety and merrymakin­g and has always been the center of every local festivity, both of the humble and of the grandiose in form,” ani Noel.

Layunin din ng pagdiriwan­g na maisulong ang kultural na yaman at ang industriya ng pagtutuba sa mga probinsiya ng Leyte at Samar.

Ang tuba ay isang inuming alcohol na nagmumula sa katas ng puno ng niyog. Sa Layte, pinatataga­l ang alak hanggang dalawang taon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines