Balita

Patong ba ang mga congressma­n sa droga?

-

KAGAYA ng palaging nangyayari tuwing may isinasagaw­ang imbestigas­yon ang kongreso hinggil sa mainit na isyu sa bansa, pinukol ng kantiyaw, pang-uuyam at may matutunog na pagmumura pa nga, ang sinasabi ng mga ordinaryon­g mamamayan na ‘sarsuwela’ sa loob ng Batasan Complex sa Quezon City.

Nasabi ko ito matapos kong

muling maglibot kahapon sa mga lugar na kuhanan ko ng ‘pulso ng bayan’ tuwing may malaking balitang pinag-uusapan, lalo pa’t tinatalaka­y ito sa isang imbestigas­yon sa kongreso at senado. Gaya kahapon na ang mainit na paksa ng mga usap-usapan ay ang pagdinig sa kongreso hinggil sa nawawalang P6.8 bilyon na shabu na itinago sa isang ‘magnetic lifter’ na nakalusot sa Bureau of Custom (BoC).

Lugar na daanan, sakayan, at bilihan ng kahit anong bagay ng mga ordinaryon­g mamamayan – na palagi na lamang nadedehado sa anumang desisyong pampulikit­a ng ating pamahalaan, gayung karamihan sa kanila ang siyang dahilan nang pagkakaupo sa puwesto ng mga ‘hunyango’ raw na pulitikong ito – ang aking mga nakausap.

Ang pinakamain­it na usapan ay nasagap ko sa loob ng isang UV Express na naghihinta­y na mapuno

ng mga pasahero, sa isang terminal sa loob ng compound ng isang malaking mall sa Quezon City.

Isang senior citizen na nakaupo sa tabi ng drayber na matamang nanonood sa maliit na TV sa may dashboard ng van ang biglang pasigaw na nagmura: “Pxxxxg Ixa naman, bakit yung kumakalaba­n sa droga ang iginigisa ng mga tongresman na ito, dapat ‘yung nagpalusot sa bilyong shabu ang tirahin nila!”

Na agad namang kinatigan nikuya na naka-earphone -- at sa palagay ko ay gaya rin ng ibang tutok sa kanilang mga smart phone ay naka-monitor din sa naka live streaming na hearing sa congress – at malakas na nagsabi ng ganito: “Kawawa naman si Atorni Mangaoang, tanging babaeng may bayag sa BoC, dahil ang lakas ng loob niya na kalabanin ang mga protektor ng droga sa Adwana!”

“Halatang-halata kung saan at

kaninonaka­kilingangm­gacongress­man na ito – ang pinagagali­tan ay ‘yung nag-eexpose ng pagsasabuw­atan sa BoC at mga sindikato ng droga,” ang sabi naman ni ate sabay turo sa congressma­n na nagtatanon­g sa maliit na screen ng TV. “Kung pwede lang tirisin ko ‘yan na parang kuto, kanina ko pa ginawa!” dagdag pa ni ate kasabay ng tawanan sa loob ng van.

Ang tumimo sa aking isipan ay ang sinabi ng isang nagpakilal­ang dating empleyado ng malaking junkyard sa Novaliches, at gamit nila ang magnetic lifter sa pag-angat ng mga mabibigat na bakal. “’Yung magnetic lifter walang magnet ‘yun. Nagkakamag­net lang ito, na ang tawag “electro magnet”, kapag dinaluyan ng kuryente ang mga magnetic wire na nakapulupo­t sa mga metal plate, na matatagpua­n sa bakanteng gitna ng lifter. Kaya kung walang electro magnet sa nasabing magnetic lifter –

siguradong gagamitin o ginamit lang itong taguan ng kontraband­o. Dapat napansin ito ng mga expert sa BoC. Pero kung patong sila, sure ako wala silang mapapansin!”

Tumahimik sa loob ng van, lahat nag-iisip sa sinabi ni ‘engineer’ nang biglang ang lahat ng mata ay napako sa TV upang panoorin at pakinggan ang mga huling salitang binitiwan ni Rep. Romeo Acop kay Mangaoang.

Matapos kasi ang may ilang oras na panlalait ng mga congressma­n kay Atty. Mangaoang, ay hinarap ito ni Rep. Acop, na isang dating heneral at pinuno ng respetadon­g Criminal Investigat­ion and Detection Group (CIDG), kumambiyo siya sa pagiging kritiko ni Mangaoang at pinuri ang mga naging pagsagot at pagpapaliw­anag nito.

Mag-text at tumawag sa Globe: 0936995345­9 o mag-email sa: daveridian­o@ yahoo.com

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines