Balita

Problema sa Customs

- Johnny Dayang

ANG kaguluhan na naglantad sa hidwaan sa loob ng Bureau of Customs (BoC) ay muli na namang nagpatingk­ad sa umano’y mga katiwalian ng naturang ahensiya.

Ang paghaharap nina Customs Commission­er Isidro Lapeña at Deputy Collector Lourdes

Mangaoang hinggil sa isyu ng magnetic lifters na hinihinala­ng naglalaman ng shabu, ay hindi basta biglang sumambulat. Nauna na itong naging bulung-bulungan. May una nang nakapagsab­i na magkakaroo­n ng hidwaan ang mga paksiyon doon.

Sa totoo lang, sadyang kailangang balasahin at i-overhaul ang BoC na matagal nang itinuturin­g na isa sa mga ahensiya ng gobyerno na pinakahiti­k sa katiwalian.

Tulad ng Bureau of Internal Revenue (BIR), isa pang ahensiyang balot din sa kontrobers­iya, kailangang tanggalin ng BoC ang hindi kanais-nais na imahe nito bilang pugad ng katiwalian. Ang

pangunahin­g dahilan nito ay ang paraan ng pagpapahin­tulot dito na kumilos nang hindi naaayon sa mga pandaigdig­ang pamantayan sa pamamahala ng Customs, kasama ang mahigpit na sistema ng monitoring na ipinatutup­ad sa ibang bansa na tumutugon sa kahuysayan at katapatan.

Matagal nang kinukupkop ng BoC ang napakarami­ng hindi kanaisnais na karakter na sa pamamagita­n ng kanilang mga kontak at koneksiyon sa loob at labas, ay matagal na ring nakinabang sa makalumang sistema ng pangangasi­wa nito na hindi nakatikim ng pagbabago kahit kailan.

Marami sa mga nanaig sa kultura

ng katiwalian sa BoC ay mga kilalang personalid­ad. Ang ilan sa kanila ay mga kasama sa media. Waring masamang pakinggan ngunit ang mga butas sa batas ng BoC at ang kahusayan ng mga mga opisyal nito at mga kaibigan nila ang siyang nagpapahir­ap sa pagpuksa ng ‘smuggling’ sa bansa.

Hanggang ngayon, bigo ang mga inisyatiba sa pagtugon sa mga anomalya sa BoC. Madalas binabalasa ang mga tao nito upang mabawasan ang sobrang pamilyaris­asyon na nag-uudyok ng sabuwatan, ngunit sa pamamagita­n ng mga makabagong teknolohiy­a ay madaling naisasagaw­a ang mga katiwalian.

Mas mahalaga ang paggamit

ng talino sa pagresolba ng kahinahina­lang mga pangyayari. Sa kaso ng magnetic lifters, pinanindig­an ni Atty. Mangaoang na ang kakaibang mga imahe ng X-ray na natunton sa loob ng mga lifter ay dapat sanang tumawag ng pansin.

Sa kamalasan, ang talino sa BoC ay ginagamit sa paghahanap ng paraan upang maipuslit ang mga kontrabado na may katiyakang malaking salaping kapalit. Parang hindi makataong akusasyon iyon ngunit nangyayari ang katiwalian sa loob ng ahensiya sa loob ng maraming dekada. Ang pagresolba ng problemang ito ay higit pang mahalaga kaysa basta estriktong pagpapatup­ad ng batas.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines