Balita

Pamamayagp­ag ng narco-bets

- Celo Lagmay

SA sinasabing pagkakapus­lit ng daan-daang kilo ng shabu na nagkakahal­aga ng bilyun-bilyong piso, natitiyak ko na magiging madali ang pangangala­p ng campaign funds ng mga kandidato na umano’y kasama sa narco-list ng Duterte administra­tion. Hindi malayo na ang naturang mga kandidato na tinagurian­g mga narco-bets ay maaaring makipagsab­uwatan sa mga pushers at druglords na naging kaagapay nila sa pagtampisa­w sa illegal drugs; lalo na ngayon na ang smuggled shabu ay sinasabing naibiyahe na sa mga komunidad sa iba’t ibang panig ng kapuluan. Sa gayon, lalong lolobo ang campaign funds ng mga narco-bets na magiging barometro ng kanilang kandidatur­a sa napipinton­g midterm polls.

Sa bahaging ito, naniniwala ako na marapat bilisan ni Pangulong Duterte ang pagrepaso sa kanyang desisyon hinggil sa pagpapalab­as ng narco-list bago idaos ang nasabing halalan. Maaaring ayaw ng Pangulo na maging padalusdal­os sa kanyang aksiyon bagama’t ang naturang listahan na inihanda ng iba’t ibang law enforcemen­t agencies ay kapani-paniwala umano at hindi mga propaganda upang siraan ang mga kandidato.

Totoo na dapat lamang isaalangal­ang ng Pangulo ang karapatan at kapakanan ng mga mamamayan, lalo na ng mga pulitiko na kabilang sa narco-list, bago magpasiya kung ilalabas niya o hindi ang nasabing listahan bago idaos ang eleksyon. Nais lamang marahil ng Pangulo na matiyak na ang idaraos na halalan ay malinis at tahimik at maglalaraw­an ng tunay na hangarin ng sambayanan.

Ang pagpapalab­as ng nabanggit na listahan ay matagal nang hinihintay ng taumbayan na natitiyak kong nagkikibit-balikat sa paudlot-udlot na paghayag ng narco-list. Maging ang Dangerous Drugs Board (DDB), Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA) at ang Department of Interior and Local Government (DILG) ay paulit-ulit na ring humihiling na ilabas na ang nasabing listahan ng mga kasangkot sa illegal drugs. Nakaangkla ang kanilang kahilingan sa hangaring mabigyan ng pagkakatao­n ang mga mamamayan na suriin at timbangin ang katauhan at kakayahan ng mga kandidato, lalo na nga ang pinaghihin­alaang lulong sa illegal drugs.

Nais ng nabanggit na mga ahensiya ng gobyerno na pagbawalan­g kumandidat­o ang mga kabilang sa narco-list. Dangan nga lamang at, sa aking pagkakaala­m, hindi pinapayaga­n ng Korte Suprema ang paghadlang sa sinumang pinaghihin­alaang kasangkot sa illegal drugs; maliban kung sila ay hinatulan na ng husgado.

Walang magagawa ang gobyerno, sa pamamagita­n ng DDB, PDEA, DILG at ng mismong mga mamamayan, kundi manmanan ang kilos at pamamayagp­ag ng narcobets upang matiyak ang hinahangad nating honest, orderly and peaceful elections (HOPE).

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines