Balita

Panorama calendar ni Pia, collectors’ item

- Ni NORA V. CALDERON

MARAMING first para kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang pagkakapil­i sa kanya bilang Ginebra San Miguel 2019 Calendar Girl, matapos siyang rumampa sa napakalaki­ng stage sa Isla Ballroom ng EDSA Shangri-La Hotel.

Bago rumampa si Pia, sinabi ni Mr. Ron Molina, marketing manager ng liquor brand, na si Pia ang perfect Calendar Girl dahil taglay nito ang epitome ng kanilang produkto na may bago silang slogan: “Dahil Pilipino ako, matapang ako, Ginebra ako!” Sa interview ng host na si Rico Robles, inamin ni Pia na kahit sanay na siyang mag-attend ng mga events, hindi pa rin nawawala ang kaba niya na nararamdam­an niya nang oras na iyon.

Thankful si Pia na siya ang kuning 2019 Calendar Girl.

“Hindi ko malilimuta­n ang pictorial ko sa kanila dahil this is my first time na muling magsuot ng swimsuit, after kong manalo sa Miss Universe pageant,” kuwento ni Pia.

Ikinuwento rin ni Pia na binigyan siya ng liquor brand ng special award matapos siyang manalo bilang Binibining PilipinasU­niverse noong 2015, na nag-uwi nga sa pagsali niya sa Miss Universe, kung saan iniuwi niya ang korona.

Para kay Pia, first time na gumawa ng panorama calendar ang Ginebra, na tiyak na magiging collector’s item. Natuwa nga ang napakarami­ng guests at media nang gabing iyon, kaya pahirapan na makasingit para magpa-pictorial sa mga framed posters dahil lahat ay gustong mag-pose sa harap nito.

Kasabay din ng launch ni Pia, ang pagdiriwan­g ng 185th anniversar­y ng Ginebra San Miguel.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines