Balita

Ika-70 labas

- R.V. VILLANUEVA

MAGANDA at maaliwalas ang kinabukasa­n. Sa malas, parang walang aberyang nangyari ng sinundang gabi. Dapat lang asahan na medyo tinanghali sila ng bangon.

“Love, me tinanggap nga pala akong tawag kanina bago ka gumisimh.”

“Parang naulinigan ko nga,” sabi ni Nena. “Kanino galing?”

“Sa suki ko sa Gapan, Nueva Ecija. Tagal ko na raw hindi bumibiyahe. Kelangan na raw ‘yng mga order niya.”

Mahigit nang isang linggo hindi nagdadala ng paninda si Fermin sa mga suki niya sa palengke ng Gapan.

“P’wede na kaya akong bumiyahe bukas?” tanong ni Fermin. “P’wede naman siguro...” “Ihahatid na lang muna kita kina Nanay.”

Sandaling nag-isip si Nena bago sumagot. “Hindi na lang siguro. Kaya ko naman yatang mag-isa dito?” “Are you sure, Love.”

“Oo naman. Araw na araw naman. Saka may cellphone naman. Kung sakali, tatawagan kita. Gapan naman ang pinaka-malayo mong biyahe , di ba? Saka, ayan lang naman ang kina Benjie sa kabayanan.”

Nagdaan pa ang magdamag ng wala uling aberya. Kinabukasa­n...

“So, handang-handa na talagang maiwan ang darling ko?”

“Oo naman.”

Bago tuluyang umalis si Fermin, inulit niya ang tanong: “Talaga bang handa ka nang maiwan mag-isa?”

“Oo naman. Hindi ba makakauwi ka naman mamayang gabi?”

“E, kung sumama ka na kaya sa biyahe ko?”

“Nakakasigu­ro ba tayong walang magnanakaw dito? “Gusto mong maubos ang mga gamit natin ay kabibili lang?”

Inihatid pa ni Nena ang sasakyan ni Fermin hanggang sa mawalan iyon sa kanyang paningin.

Nang wala na si Fermin, ineksamin ni Nena ang kanyang sarili. Kaya nga ba niyang laging mapag-isa sa lugar na iyon?

Okey naman yata. Matapang naman siya dati. dati naman wala talaga siyang kapani-paniwala sa mga supernatur­al. Aywan nga lamang kung bakit hindi niya maalis ang hilig niya sa pagbabasa mng mga supernatur­al stories. Totoo nga yatang kaya lang niya nakikita ang mga hindi nakikita ni Fermin ay dahil naapektuha­n ng mga binabasa niya.

Saka ordinaryon­g mga hayop lang talaga iyon. Bakit pinipilit yata niya sa kanyang sarili sa ayaw mismo niyang paniwalaan?

Saka kung hindi talaga ordinaryon­g hayop, bakit noong aktong marami sila, tulad noong ipinapa-repair nila ang bahay ay wala naman ang magi yon. Sabi pa niya sa kanyang sarili: Mga ordinaryon­g wild animals lang ‘yon na naghahanap ng pagkain sa gabi. Saka tama ang sabi ni Fermin na naninibago lang siya sa ganoong lugar. Na masasanay din siya kalaunan.

Saka may kaunti rin siyang pagkaloner. Dream nila pareho ni Fermin ang ganoong lugar minus siyempre ang mga kababalagh­an.

At napansin ni Nena, hindi naman pala napaka-ulila ng lugar. Manakanaka, may shortcut na daan doon, ,na hindi kailangang mamaybay sa mga mabahay na lugar.

Nagdaan ang maghapon nang wala namang hindi ordinaryon­g nangyayari. Nakatulog pa nga siya saglit ng ntanghali. A, kaysarap matulog sa lugar na iyon!

“Kumusta ang maghapon ng aking beautiful wife?” Unang tanong ni Fermin nang dumating papsado alas siyete ng gabi.

“Mabuti naman,” sagot ni Nena.

Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines