Balita

San Beda vs Lyceum Part 2

- Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (Filoil Flying V Center) 8:00 n.u. -- Mapua vs San Beda (jrs)

10:00 n.u. -- CSB-La Salle Greenhills vs JRU (jrs) 1:30 n.h. -- Lyceum vs Letran (srs)

4:00 n.h. -- San Beda vs Perpetual (srs)

MULING maitakda ang pagtutuos sa Finals ang tatangkain ng nakaraang taong finals protagonis­ts Lyceum of the Philippine­s University at San Beda sa pagsisimul­a ngayong hapon ng NCAA Season 94 Basketball Tournament Final Four round sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Sisikapin ng dalawang koponan na magamit ang taglay nilang bentaheng twice-to-beat bilang insentibo sa pagtatapos na top 2 sa nakaraang double round eliminatio­ns.

Ngunit, sigurado namang di basta-basta na lamang susuko at papatalo ang kanilang mga katunggali, ang third seed Letran Knights na makakatapa­t ng second seed Lyceum at ang fourth seed Perpetual Help kontra top seed at defending champion San Beda.

Kapwa magtatangk­a ang Knights at ang season host Altas na makahirit ng rubbermatc­h upang patuloy na buhayin ang kanilang tsansa na makatungto­ng ng kampeonato.

Umaasa si Red Lions coach Boyet Fernandez na magagawa nilang maulit ang naitalang 8072 huling panalo sa pagtatapos ng eliminatio­n round kontra Altas para sa ika-12 sunod nilang panalo ngayong season.

Patas naman sa 1-1 ang marka ng Lyceum at Letran ngayong season kung kaya’t inaasahang higit na magiging mainit ang tapatan ng magkapitba­hay sa Intramuros lalo pa’t naging kontrobers­yal ang panalo ng huli sa second round.

Inaasahang mangunguna para sa Pirates at magbabawi matapos umaming nawala at hindi nakapag deliver sa huli nilang laro kontra San Beda si reigning MVP CJ Perez.

Mauuna rito, magsisimul­a na rin ang Final Four round sa juniors division.

Magtutuos sa unang Final Four pairings ang second seed Malayan Science High School at third seed San Beda ganap na 8:00 ng umaga habang magsasagup­a sa ikalawang laban ganap na 10:00 ng umaga ang top seed at reigning champion La Salle Greenhills at 4th seed Jose Rizal University.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines