Balita

Iyah Mina, unang transgende­r na Best Actress

- Ni ADOR V. SALUTA

GUEST nitong Huwebes sa

Magandang Buhay

ang Cinema One Original film festival Best Actress, ang baguhan at transgende­r na si Iyah Mina

na nagbida sa

Mamu, and A Mother Too.

Sa nasabing episode, ipinakita ang video clips kung saan ibinahagi ni Vice Ganda

ang tuwa at pagmamalak­i niya para kay Iyah Mina, matapos itong kilalanin bilang unang transgende­r woman na nanalo ng Best Actress award sa Philippine Cinema. Kalakip din nito ang video message ni Vice, na nagkuwento tungkol sa pagkakaibi­gan nila ni Iyah simula noong nag-uumpisa pa lang ang huli sa showbiz.

“Sila ‘yung magkaka-batch nina Negi sa comedy bar. Nung nakita ko (sila), sabi ko, sila ‘yung new breed. Sila ‘yung mga ‘up and coming’, kaya ‘pag may mga ganap dito sa ABS-CBN, na naghahanap ng mga bagong komedyante, nire-refer ko sila nila Negi,” kuwento ni Vice.

Para sa It’s Showtime host, malaking bagay ang naging tagumpay ni Iyah.

“I’m very proud of her. Doon pa lang na nagkaroon siya ng pelikula na siya ang bida, masayang-masaya na ‘ko para sa kanya. ‘Yung nanalo siya ng Best Actress, bonus na lang ‘yun eh, pero ang laking bagay.”

Sinagot din ni Iyah ang mensahe ni Vice ng pasasalama­t sa lahat ng naitulong nito sa kanyang career.

“Sobrang malaking bagay. Nagbibigay talaga siya (Vice) ng chance, nagbibigay siya ng moment. Kagabi nga, niyakap ko siya ulit, sabi ko sa kanya, ‘Thank you kasi hindi mo kami nakakalimu­tan, kaming mga baguhan’,” sabi ni Iyah.

 ??  ?? Iyah Mina
Iyah Mina

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines