Balita

DO-OR-DIE!

JRU at San Beda, nakahirit sa NCAA Juniors Final Four duel

- Marivic Awitan

BINURA ng Jose Rizal University ang taglay na insentibo ng defending champion La Salle Greenhills kahapon upang ilagay ang duwelo sa patas na laban sa Final Four round ng juniors division ng NCAA Season 94 basketball tournament sa Filoil Flying V Center.

Nalusutan ng Light Bombers ang ratsada ni Joel Cagulangan at di bumigay sa matinding hamon ng Junior Blazers sa endgame para maiposte ang 81-78 upset at maipuwersa ang do-or-die game.

Taglay ng Greenies ang ‘twice-to-beat’ sa semifinal duel bunsod ng pagiging top seed.

Tumayong tagapagsal­ba si Thomas Vasquez para sa JRU matapos isalansan ang pito sa kanyang 17 puntos sa huling apat minuto na dinagdagan pa ng siyam na rebounds at tatlong assists.

“Mula pa start ng season, yung dedication ng mga players, sobra-sobra. Nakaka-proud,” pahayag Light Bombers coach Vic Lazaro.

Lamang pa ang Junior Blazers ng apat, 7066, mahigit apat na minuto pa ang natitirang oras, bago naglatag ang JRU ng 7-0 blast sa pangunguna nina Vasquez at John Amores upang maagaw ang bentahe, 73-70.

Lumamang pa ang LSGH sa huling pagkakatao­n, 78-77 matapos ang isang layup ni Cagulangan may 36.7 segundo ang nalalabing oras sa laban.

Ngunit, isang di inaasahang midrange jumper ang ipinasok ni Vasquez sa harap ng nakataas na mga kamay ng 6-foot-8 na si Ladis Lepalam upang ibalik sa JRU ang lamang, 79-78.

Nabigo naman si Sidney Mosqueda na ibigay ang panalo sa Junior Blazers matapos magmintis ang kanyang triple attempt bago sinelyuhan ni Marwin Dionisio ang panalo sa pamamagita­n ng dalawang freethrows.

Ito ang unang playoff win ng JRU mula noong Setyembre 2008.

“Tuwang-tuwa kami kasi sa three seasons namin, ‘di pa namin ntatalo LSGH. What a game para matalo namin sila,” ani Lazaro.

Si Dionisio ay tumapos na may 11-puntos at 17-rebounds kasunod si John Delos Santos na may 16 puntos, 7 rebounds, at 3 assists.

Nanguna naman para sa Junior Blazers si Cagulangan na may career-high 29 puntos.

Sa isa pang laro, pinangunah­an ng graduating na si Jade Talampas ang San Beda sa pagbura ng twiceto-beat advantage ng second seed Malayan Science High School matapos nitong pangunahan ang Red Cubs,84-71.

Tumapos si Talampas na may double-double 26-puntos at 10-rebounds upang makasama ng Light Bombers na bumalik sa Lunes para sa kani-kanilang rubbermatc­h.

“Good thing we got the win today, we’re still alive. Kung magagawa namin ulit ‘to sa Monday, it’s a good accomplish­ment for us,” pahayag ni San Beda coach JB Sison.

 ?? RIO DELUVIO ?? NAKIPAGSAB­AYAN sa rebound si last year MVP CJ Perez ng Lyceum of the Philippine­s laban sa determinad­ong karibal na Letran Knights sa kainitan ng kanilang laro sa NCAA Season 94 Final Four match up.
RIO DELUVIO NAKIPAGSAB­AYAN sa rebound si last year MVP CJ Perez ng Lyceum of the Philippine­s laban sa determinad­ong karibal na Letran Knights sa kainitan ng kanilang laro sa NCAA Season 94 Final Four match up.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines