Balita

Walang droga, walang adik—VP Leni

- Raymund F. Antonio

Iginiit kahapon ni Vice President Leni Robredo na imbestigah­an ang pagkakapus­lit ng P11 bilyong halaga ng shabu sa bansa, kasunod na rin ng pagkakatun­ton ng apat na magnetic lifters sa Cavite nitong Agosto.

Ayon kay Robredo, hindi sapat ang ginagawang hakbang ng pamahalaan na sibakin lamang sa posisyon si Isidro Lapeña sa Bureau of Customs (BoC) dahil sa pagkakasal­usot ng nasabing droga sa kanilang ahensiya.

Dapat din umanong kasuhan ang mga sangkot sa usapin.

“Ngayong malinaw na nakalusot ang ganito kalaking shipment ng shabu sa BOC, kailangang sundan na ito agad ng malalim at seryosong imbestigas­yon nang lahat ng may kinalamang opisyal,” ani Robredo.

Nitong Huwebes, iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglilipat ni Lapeña sa Technical Education and Skills Developmen­t Authority (TESDA) bilang director general.

Si Lapeña ay nakatakdan palitan ng dating opisyal ng militar at dating hepe ng Maritime Industry Authority Administra­tor (Marina) na si Rey Guerrero.

Dagdag pa ni Robredo, malaking problema sa anti-drug drive ng gobyerno ang pagkakapus­lit ng malaking bulto ng droga.

“Kahit gaano pa kabagsik ang pagpapatup­ad ng ‘war on drugs,’ kung tuloy ang pasok ng shabu sa Pilipinas, lalo na’t kung nailulusot ito sa BOC, hindi matatapos ang problema natin sa droga. Simple lang naman, dapat ang ating susunding polisiya: Kung walang drug supply, walang drug addict. Umaasa tayo na kikilusan agad ng pamahalaan ang isyung ito,” sabi pa nito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines