Balita

DOTr, handa na sa Undas exodus

- Mary Ann Santiago

Handa na ang limang road networks sa bansa sa inaasahang pagdagsa ng mga motoristan­g magsisiuwi sa kani-kanilang lalawigan ngayong Undas.

Simula kahapon, naging aktibo na ang “Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2018”s ng Department of Transporta­tion (DOTr).

Sa isang pahayag, sinabi ng SMC Tollways na handa na ang South Luzon Expressway (SLEX), Skyway, NAIA Expressway (NAIAX), Southern Tagalog Arterial Road (STAR) Tollway, at TarlacPang­asinan-La Union Expressway (TPLEX) sa dagsa ng malaking bilang ng mga sasakyan sa Oktubre 31-Nobyembre 5.

Sa ilalim ng Oplan Undas 2018, magpapakal­at ang DOTr ng karagdagan­g traffic at security personnel, gayundin ng mga ambulant tellers sa mga toll plaza, simula sa hapon pa lang ng Oktubre 31, ang umpisa nang uwian sa mga probinsiya.

Mananatili umano ito hanggang sa Nobyembre 5, ang araw na inaasahang magsisibal­ik ang mga ito sa Metro Manila.

Maglalagay din ng roadmap stations ang naturang kumpanya sa mga strategic location sa mga naturang road network, na aalalay sa mga motorista at magbigay ng kinakailan­gang travel informatio­n.

Tiniyak din ng SMC Tollways sa mga motorista na magde-deploy sila ng mga emergency medical providers at accredited towing services.

Pinaalalah­anan din nila ang mga motorista na tandaan ang mga sumusunod na numero ng mga naturang road networks para sa 24/7 emergency assistance and traffic updates: (02) 318-TOLL (8655); Skyway- 0917-5398762, 0999-8860893, at 0932-8546980; SLEX- 0917-6877539; STAR Tollway- 0917-5117827 at 0908-5117827; at TPLEX-0917-8880715.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines