Balita

Party-list groups, hiniling isapubliko

- Mary Ann Santiago

Nais ng isang commission­er ng Commission on Elections (Comelec) na maisapubli­ko ang listahan ng mga nominado ng mga party-list groups na lalahok sa National and Local Elections (NLE), sa Mayo 13, 2019.

Ayon kay Comelec Commission­er Rowena Guanzon, hihilingin niya sa Comelec en banc na ipaskil ang naturang listahan.

Nagpahayag din ng paniniwala ang poll official na karapat-dapat lamang na malaman ng mga mamamayan kung sino ang taong iluluklok nila sa puwesto sa pagboto sa isang party-list group, para na rin sa transparen­cy at accountabi­lity ng mga ito.

Matatandaa­ng sa pagboto ay hindi naman ang pangalan ng nominado ng party-list group ang ilalagay sa balota, kundi ang pangalan lamang ng grupong kakatawani­n nito.

Karaniwan namang hindi batid ng mga botante kung sino ang kanilang iluluklok, sa gagawin nilang pagboto sa mgaparty-list groups.

“I will ask the @COMELEC En Banc to post the list of nominees of party-list groups,” post ni Guanzon sa kanyang Twitter account.

“Yes the people should know who they are voting for transparen­cy and accountabi­lity. Do you agree Comm @ LTFGuia,” aniya pa.

Nasa 185 party-list groups ang naghain ng certificat­e of nomination noong panahon ng paghahain ng kandidatur­a para sa 2019 midterm polls, simula Oktubre 11 hanggang Oktubre 17, habang 152 naman ang naghain ng certificat­e of candidacy para sa pagkasenad­or.

Samantala, ang opisyal na listahan ng mga kandidaton­g papayagang tumakbo sa halalan ay nakatakdan­g ilabas ng Comelec sa Disyembre.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines