Balita

Taxidermy business, nilinaw

- Jhon Aldrin Casinas

Sa isang bahay sa Barangay Tandang Sora, Quezon City, pinatatakb­o ng magasawang Reynaldo at Mary Rose Vinarao ang negosyong taxidermy sa kanilang garahe, hindi lang para i-‘immortaliz­e’ ang mga patay na hayop kundi baguhin ang negatibong persepsiyo­n ng publiko sa taxidermy.

Sa loob ng 20 taon, si Reynaldo, isang engineer, ay nagpiprese­rba ng mga patay na hayop sa pamamagita­n ng taxidermy, habang ang misis niyang si Mary Rose ang nagsisilbi­ng manager ng kanilang negosyo na kilala bilang Taxidermis­t Philippine­s.

Sa panayam sa Balita nitong Oktubre 26, nilinaw ng mag-asawa ang mga alalahanin ng publiko na ang taxidermy ay hindi makatao.

“Taxidermy is not scary. It is art and science combined,” pahayag ni Mary Rose.

“Before we accept the specimen, we first know the story behind it. If the animal is exotic, we require the owners to show their permits. And most importantl­y, we don’t kill animals for the sake of business. The animals that were sent to us either died naturally or due to an incurable illness,” paliwanag nila.

Pinasinung­alingan ni Mary Rose ang mga pananaw ng may-ari ng mga hayop na ang kanilang alagang hayop ay magmumukha­ng patay matapos ang proseso.

“The animals will look very much alive if the procedure is done properly. We are immortaliz­ing their beloved pets,” aniya.

“My husband is an artist. Sometimes, if he does not want to work, I sometimes force him since the clients are always checking on their pets,” dagdag pa niya.

“Artists work in their own time and pace. This is because if you rush a piece of art, it will become a disaster and with this [taxidermy] type of art, it is unfair to the owners and their pets if he does not do his job right,” sabi pa ni Mary Rose.

 ??  ?? TAXIDERMY Sinusuklay­an ni Reynaldo Vinarao, may negosyong taxidermy, ang aso na kanyang priniserba sa pamamagita­n ng taxidermy sa Bgy. Tandang Sora, Quezon City.
JHON ALDRIN CASINAS
TAXIDERMY Sinusuklay­an ni Reynaldo Vinarao, may negosyong taxidermy, ang aso na kanyang priniserba sa pamamagita­n ng taxidermy sa Bgy. Tandang Sora, Quezon City. JHON ALDRIN CASINAS

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines