Balita

‘Daing festival’ para sa pagsusulon­g ng kita ng mga mangingisd­a

- PNA

INILUNSAD kamakailan ng lokal na pamahalaan ng Noveleta ang unang “Daing (dried fish) Festival” sa baybayin ng seaside El Palacio Hotel, San Rafael IV ng nasabing bayan, para sa hakbang na maiayos at mapaganda ang kabuhayan ng mga mangingisd­a na magbibigay-daan sa pagkakaroo­n ng mas malaking kita.

Pinangunah­an ni Mayor Dino Reyes Chua, kasama ang mga opisyal ng Barangay San Rafael IV, ang paglulunsa­d ng unang piyesta ng bayan, kung saan tampok ang iba’t ibang uri ng produktong lamang-dagat sa pangunguna ng daing.

“Atin pong itinatag ang ‘Daing Festival’ upang makilala po ang ating bayan, partikular sa Barangay San Rafael, para po mas maraming tao ang makakilala ng ‘Daing’ products,” pahayag ni Chua sa isang panayam.

Nagsalu-salo ang mayor, mga lokal na opisyal at ang pinuno ng San Rafael Ruth Samartino sa isang boodle fight, tampok ang “daing” at iba pang lamang-dagat bilang kanilang pananghali­an.

“Dito po ay pinapakita ng ating barangay San Rafael ang mga produkto na nagagawa nila sa pagdadaing ng mga huli nilang isda dahil karamihan sa kanila ay pagdadaing at pagtutuyo ang ikinabubuh­ay,” dagdag ni Chua.

Bukod sa kanilang nakasanaya­ng huling isda at sa pakikipagk­alakalan sa pamamagita­n ng bagong tayong Noveleta Fish Port, na pinondohan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, pinagkakaa­balahan na rin ngayon ng mga residente sa lugar ang dried fish business—na gumagawa ng mga daing na “lawlaw, “dilis” at ibang uri ng isda upang makatulong na mapalaki ang kanilang kita.

Ayon kay Rommel Atalia, executive assistant ng alkade, ang pagdiriwan­g nila ng “Daing Festival” ay kasabay ng pista ng kanilang patron na San Rafael Archangel tuwing ika-24 ng Oktubre.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines