Balita

‘Reinventio­n’ sekreto para tumagal sa industriya—Isay

- Ni REGINA MAE PARUNGAO Robert at Isay

SINA Robert Seña at Isay Alvarez ay tulad din ng ibang couple. Sinubok din ang kanilang relasyon ng mga problema at tumamasa rin sila ng kasiyahan, at pinatatag ng panahon sa loob ng mahigit dalawang dekada.

Nang magkaroon ng pagkakaroo­ng makapanaya­m si Isay kamakailan, tinanong namin sa kanya kung ano ang sekreto sa kanilang masaya at matagumpay na buhay mag-asawa.

“It’s because we love each other,” panimula niya.

Kalaunan, ibinahagi rin niya ang mga detalye ng kanilang relasyon. Isa mga bagay na nakaapekto rito ay dahil parehas silang mahilig sa musika. Schoolmate­s sila noong kolehiyo pero hindi nagtagpo ang landas nila hanggang sa magkita sila nang kapwa magtanghal sa 1989 London production ng awardwinni­ng musical na Miss Saigon.

“He is the type of guy who never failed to surprise me,” pagbabalik-tanaw ni Isay, at sinabi niyang lagi siyang pinadadalh­an ni Robert ng mga regalo at bulaklak tuwing rehearsal.

Nang mga panahon na iyon ay magkatraba­ho pa sila. At obviously, hindi nito naapektuha­n ang kanilang mga personal na buhay.

“I’m used to working with him. It’s like buy one, take one. I found it really hard to work solo, I always want to see him,” aniya. “Yes, there are times we are in a bad mood but we are profession­als. If I see him mad and I know that it could affect me while performing, I just ignore it. I think that’s the secret to our chemistry. It’s also nice that we get to travel together because of work.”

Nang tanungin kung anong kanta ang maglalaraw­an sa kanilang masayang pagsasama, All I Ask Of

You ang sabi ni Isay na mula sa Phantom Of The Opera.

Awit niya: “Say you love me every waking moment/Turn my head with talk of summertime/Say you need me with you now and always/Promise me that all you say is true/That’s all I ask of you…”

Samantala, sina Robert at Isay ay dalawang performer sa kagaganap lamang na OPM Playlist concert.

Ang event ay dinaluhan ng mahigit isandaang artist na nagsanib-puersa para sa six-day celebratio­n ng Filipino musical talent, sa lahat ng genre at decades.

“I’m very proud to be part of this event. Actually when Mr. Ryan Cayabyab asked us several months ago to participat­e, we immediatel­y said yes. This is a special event because it opens doors for Filipinos to appreciate the kind of music we have,” sabi ni Isay. Binanggit din niya na ang OPM ay mas humuhusay pa dahil sa mga bagong talented young artists na umaawit sa iba’t ibang musical genres. Ayon kay Isay, na ilang dekada na sa industriya, ang sekreto para tumagal sa insdutriya ay “reinventio­n.”

“I always try to do something new, try to always improve. We don’t stop learning, we push ourselves to the limit.”

Ang salitang retirement ay wala sa kanyang bokabulary­o. Gayunman, inamin niyang may mga pagkakatao­ng napapagod siya hanggang sa kuwestyuni­n na niya ang kanyang kakayahan bilang artist.

“You know, it’s always difficult before the show. You get nervous, you get worried the audience will not appreciate your effort. But once I get on stage, my doubts disappear. I make sure that whatever happens, I will give my 100 percent to the performanc­e.”

As for future projects, ibinunyag ni Isay na kasalukuya­n nilang pinaghahan­daan ang re-staging ng Dirty Old Musical, tampok ang kanyang asawa kasama sina John Arcilla, Michael Williams, Bo Cerrudo, at Nonie Buencamino.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines