Balita

I am proud to have become a Muslim—Sinéad O’Connor

-

MAY bagong relihiyon si Sinéad O’Connor — at may bago rin siyang pangalan.

Nitong nakaraang linggo, ibinunyag ng Nothing Compares

2U singer sa Twitter na nagpaconve­rt na siya sa Islam, ayon sa People.

“This is to announce that I am proud to have become a Muslim,” post ni Sinéad noong Oktubre 19, at ipinaliwan­ag niya na ang kanyang bagong faith “is the natural conclusion of any intelligen­t theologian’s journey.”

“All scripture leads to Islam. Which makes all other scriptures redundant,” dagdag pa niya, bago niya isiniwalat na gagamit na siya ng bagong pangalan. “I will be given (another) new name. It will be Shuhada.’”

Bilang karagdagan sa pagpapalit niya ng pangalan sa kanyang Twitter page, pinalitan din ng singer ang kanyang profile picture na may suot siyang hijab, “Wear a hijab just do it”, caption niya, kasama ang Nike swoosh logo.

Nakalagay naman sa kanyang Twitter bio: “Please be aware that if you post racist or anti-Muslim rhetoric on this page you will be blocked.”

Isang araw ang makalipas, ibinahagi ng Irish singer na binigyan siya ng kanyang unang hijab, at aniya, hindi niya ipo-post ang larawan nito dahil ito ay “intensely personal,” bago nagbiro sa pagsasabin­g, “I’m an ugly old hag,” aniya. “But I’m a very, very, very happy old hag.”

Ilang beses na ring nag-post ang singer sa kanyang Twitter tungkol dito. Nag-post din siya na nakatayo sa harap ng sign: “You have taken my body, you have taken my mind, you have taken my children but you will never take my voice.”

Dati na siyang nagsalita tungkol sa pang-aabuso ng Catholic Church, dati na rin niyang pinunit ang litrato ni Pope John Paul II nang lumabas siya Saturday Night Live noong 1992.

 ??  ?? Sinead/Shuhada
Sinead/Shuhada

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines