Balita

Masunuring mga magnanakaw, arestado

-

Isang grupo ng mga magnanakaw ang tinagurian­g “the dumbest robbers in Belgium” matapos mahulog sa isang simpleng bitag.

Nangyari umano ang “unbelievab­ly stupid robbery attempt” kamakailan, nang pasukin ng isang grupo ng mga armadong kalalakiha­n ang e-cigarette shop sa Charleroi City, Belgium. Tinutukan umano ng mga lalaki ang may-ari at sinabing ibigay sa kanila ang lahat ng laman ng kaha. Hapon umano naganap ang insidente, kaya’t sinabi ng matalinong may-ari na wala pa siyang nagbebenta, at kung gusto nilang may makuha sa kanya, bumalik na lamang sila kapag magsasara na ang shop at baka makapagnak­aw pa sila ng 2,000 hanggang 3,000 euro kung susundin nila ang payo ng may-ari.

Matapos umalis ng mga magnanakaw, agad na humingi ng saklolo ang may-ari sa mga pulis at ikinuwento ang nangyari.

Bumalik umano ang mga magnanakaw maaga ng isang oras sa pinag-usapan, at dahil walapaangm­gapulispin­aalismulin­gmay-ari ang mga ito. “I berated them saying ‘you have to buy a watch.’ I said, ‘it’s 5:30 not 6:30,’ and they left,” aniya.”They weren’t the brightest.”

Maniwala man o hindi, bandang 6:30 umano ng hapon bumalik nga mga magnanakaw na handang kunin ang kita ng shop. Ngunit hindi nila inakala na naghihinta­y na sa kanila ang mga pulis kaya’t agad silang naaresto.

“It’s like it was a comedy,” pahayag ni Didier. “They’re being called the worst robbers in Belgium.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines