Balita

SUSUGAL NA!

Houston, nag-alok ng trade para kay Butler; Warriors, wagi sa Knicks

-

HOUSTON – Matindi ang pagnanais ng Houston Rockets na mapalakas ang koponan para makasabay sa ragasa ng mga naghahanga­d na mapabagsak ang defending champion na Golden States Warriors.

Ayon sa ulat ni Adrian Wojnarowsk­i ng ESPN, nais ng Rockets na makuha ang serbisyo ni Jimmy Butler mula sa Minnesotta Timberwolv­es kapalit ng apat na first-round pick.

Hindi man tanggap sa regulasyon ng liga, seryoso ang Rockets sa offers para makuha si Butler na matagal nang humingi ng trade matapos magkaroon ng problema sa kanyang mga teammate.

Batay sa draft rule, hindi pinapayaga­n ang koponan na mga-trade ng first round pick sa apat na sunod na season.

Sa takbo ng draft sked, nakatakdan­g makuha ng Rockets ang first round pick sa taong 2019, 2021, 2023 at 2025.

Ngunit sinabi ni ESPN’s Bobby Marks na hindi protektado ang napiling pick sakaling naisin utong itrade sa magkahiwal­ay na taon.

Kakailanga­nin ng Houston na makakuha ng $16.3M sa salary cap para makuha si Butler. Sa ganitong sitwasyon, makakaya ng Houston sakaling malagay sa trading block sina Brandon Knight at Marquese Chriss.

WARRIORS 128, KNICKS 100

Sa New York, hataw si Kevin Durant sa naiskor na 41 puntos, tampok ang 25 sa fourh period para sandigan ang dominasyon sa New York Knicks.

Nag-ambag si Stephen Curry ng 29 puntos, tampok ang anim na 3-pointers.

Nanguna si Tim Hardaway Jr. sa Knicks na may 24 na puntos.

 ?? AP ?? NANGIBABAW si Buddy Hield laban sa depensa ng Washington Wizards tungo sa 116-112 panalo ng Sacramento Kings.
AP NANGIBABAW si Buddy Hield laban sa depensa ng Washington Wizards tungo sa 116-112 panalo ng Sacramento Kings.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines