Balita

Ginebra Kings, asam ang ‘Twice-to-Beat’

- Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon Araneta Coliseum

4:30 pm Alaska vs. Northport 6:45 pm Ginebra vs. Magnolia

GANAP na makasiguro ng bentaheng twice-to-beat sa playoff round ang tatangkain ng Barangay Ginebra sa gagawing pakikipag-agawan ng liderato sa Magnolia sa tampok na laro ngayong gabi sa pagpapatul­oy ng 2018 PBA Governors Cup sa Araneta Coliseum.

Kasalukuya­ng magkasunod sa top two spots ang Hotshots at ang Kings taglay ang 8-2 at 7-2, panalo-talong baraha ayon sa pagkakasun­od.

Ngunit ang Magnolia pa lamang ang nakakasigu­ro sa ngayon ng puwesto sa top 4 dahil sa taglay nitong walong tagumpay habang apat na koponan ang nag,aagawan sa huling tatlong upuan kabilang na ang Kings gayundin ang Alaska at Phoenix na patas sa markang 7-3 habang humahabol pa ang Blackwater Elite (6-3).

Mauuna rito, tatangkain­g kumalas ng Aces sa pagkakatab­la nila ng Fuel Masters sa third spot sa pagsagupa nito sa out of contention ng Northport.

Ganap na 4:30 ng hapon ang salpukang Aces at Batang Pier na maayos na exit na lamang ang habol sa tangkang iangat ang kasalukuya­ng barahang 3-8, panalotalo na susundsn ng tapatang Ginebra-Magnolia ganap na 6:45 ng gabi.

Bagamat nakakatiya­k na ng twice-to-beat incentive, hindi basta-basta magbibigay na lamang ang Hotshots dahil hangad nilang pahandaang mabuti ang pagsabak sa playoff upang makasiguro ng psg-usad nila sa semifinals.

"We want to win as many games as we can and build a momentum we can ride on in the playoffs," pahayag ni Hotshots coach Chito Victolero matapos ang nakaraang 116-103 panalo nila kontra TNT Katropa.

Samantala, tatangkain namang makabawi ng Aces mula sa 110-116 na kabiguang natamo sa kamay ng NLEX sa nakaraan nilang laro upang msisara ang kanilang eliminatio­n round csmpaign sa pamamagita­n ng tagumpay.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines