Balita

CEBU: R16.4-M SHABU NAKOLEKTA

- Ni FER TABOY

Nasabat ang may kabuuang P16.4 milyon halaga ng shabu makaraang mahuli ang apat na katao sa magkakahiw­alay na anti-drug operation ng Cebu Police Provincial Office (CPPO) kahapon.

Ito ang natanggap na report ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde mula ng CPPO, na nagkumpirm­ang umaabot sa kabuuang P16.4 milyon ang nakumpiska­ng shabu sa magkakahiw­alay na operasyon ng pulisya sa Talisay City at Cebu City nitong Biyernes ng gabi hanggang kahapon ng madaling-araw.

Unang nadakip ang pulisya si Jomari Echaverri Castro, ng Sitio Kalubihan, Barangay Kalunasan, Cebu City, na nasamsaman umano ng 510 gramo ng shabu na nagkakahal­aga ng mahigit P6 milyon.

Sinabi ni Chief Insp. Jacky Beribil, ng Guadalupe Police, na ginawa umanong drop off point ang bahay ni Castro sa transaksiy­on ng shabu.

Mariin namang itinanggi ni Castro ang mga akusasyon laban sa kanya.

Naaresto naman ang 26-anyos na si Marc Aljer Rabor Romarate, ng Bgy. Pardo, Cebu City kahapon ng madaling araw, makaraang makumpiska­han ng 330 gramo ng shabu, na nagkakahal­aga ng P4 milyon.

Ayon kay Chief Insp. Regino Maramag, ng Pardo Police, pagdidistr­ibute lang umano ng shabu ang trabaho ni Romarate, na sinasabing nag-o-operate sa mga kalapit na barangay ng Cebu City.

Nakasamsam din ng aabot sa P6.4-milyon shabu sa magkahiwal­ay na raid sa Talisay City at Cebu nitong Biyernes ng gabi mula sa isang “Judy”, high-value target, sa Bgy. Mananga, Talisay.

Nakumpiska­han umano si Judy ng aabot sa 300 sachet ng hinihinala­ng shabu.

Aabot naman sa 26 na gramo ng shabu ang nasamsam mula sa kasabwat umano ni Judy na si Ronie, at inamin umano ng dalawa na nagtutulak sila.

Kaugnay nito, nagsasagaw­a na ng follow-up operation ang Police Regional Office (PRO)-7 para matukoy kung ang bultu-bulto ng nakumpiska­ng droga ay bahagi ng nasa P11 bilyon shabu na ipinuslit sa bansa gamit ang apat na magnetic lifter, batay sa imbestigas­yon ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency, Bureau of Customs, Kamara at Senado.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines