Balita

Suspek sa US mailbomb plot, arestado

- Ni MARTIN A. SADONGDONG

Matapos ang limang araw na paghahasik ng takot sa Amerika, isang lalaking may lahing Pilipino ang inaresto dahil sa pinaniniwa­laang nasa likod ng pagpapadal­a ng 14 na pipe bombs sa mga kilalang Demokratik­ong pulitiko at iba pang kritiko ni US President Donald Trump nitong Biyernes sa Florida, halos isang linggo bago ang nakatakdan­g midterm election sa US.

Nasa kustodiya na ng federal agents at kinasuhan ng limang federal felonies kabilang ang ‘interstate transporta­tion and illegal mailing of explosives, threatenin­g a former president, making threatenin­g interstate communicat­ions and assaulting federal officers,’ si Cesar Sayoc, 56, kilala rin sa tawag na Cesar Altierie, dating stripper at profession­al wrestler na dati nang may criminal record sa pananakot ng pagbomba sa isang electric company.

Nakuha ng mga awtoridad kay Sayoc ang isang puting van na ginagamit niyang tirahan, na ang mga bintana ay natatakpan ng mga pro-trump stickers, slogan na “CNN sucks” at mga larawan ng mga Democratic leaders na may red target mark sa kanilang mga mukha.

Nitong Huwebes, nasabat ang ilang package na naglalaman ng pipe bomb na nakatakda sanang ipadala sa bahay ng ilang prominente­ng kritiko ni US President Donald Trump, kabilang sina US President Barrack Obama, Hillary Clinton, aktor nasi Robert de Niro, California Rep. Maxine Waters, billionair­e Democratic donor George Soros, contributo­r ng Democratic Party Tom Steyer at sa CNN headquarte­rs in Manhattan, New York City.

Sa kanyang personal account sa LinkedIn, nakasaad na may lahing Pilipino si Sayoc dahil lolo umano niya ang isang Colonel Baltazar Zook Sayoc, isang plastic surgeon, na lumaban at nagpatalsi­k sa mga komunista sa Pilipinas.

Sinasabing Pilipino rin ang ama ng suspek habang ang kanyang ina ay mula Brooklyn, New York City, ayon sa ulat ng AFP.

Nakasaad din sa kanyang LinkedIn account na konektado siya sa Sayoc Kali Martial Arts School na nagtuturo ng Filipino martial arts. Ngunit agad naman itong itinanggi ng Sayoc Kali.

“Sayoc Kali has no knowledge of the person apprehende­d as part of the investigat­ion into current events. Sayoc Kali condemns in the strongest terms any acts which threaten or inhibit the democratic practices and principles that all Americans and people of free societies hold dear,” pahayag ng Pennsylvan­ia, USA-based martial arts school.

‘EYE-OPENER’

Hindi naman naglalabas pa ng pahayag ang Philippine National Police (PNP) kung nagkaroon na ng koordinasy­on sa mga awtoridad ng US para sa beripikasy­on ng identidad ni Sayoc.

Gayunman, inamin ni PNP chief, Director General Oscar Albayalde na nagsilbing “eye-opener” ang insidente hindi lamang para sa mga Pilipino kundi sa buong mundo.

“We are actually vulnerable. Remember, the threat on terrorism is already global not only in the US, not only here, it’s global,” aniya.

Aminado rin ang PNP na kulang pa ang bansa sa ‘technologi­al capabiliti­es’ para rumesponde sa mga katulad na sitwasyon bagamat patuloy umano ang pagpapaunl­ad ng isang CBRNE unit, isang grupo ng mga eksperto sa chemical, biological, radiologic­al, nuclear at explosives.

“We are currently in the process of developing that unit with the support coming from the different counterpar­ts and little by little, this unit is becoming bigger and our policemen are being trained to respond to such cases,” aniya.

POLITICAL TERRORISM?

Sa kabila ng pagtingin na isang global threat ang terorismo, hindi naman naiisip ni Albayalde na maaaring mangyari ang “political terrorism” sa Pilipinas, lalo na sa nalalapit na 2019 midterm election.

“I think it will not happen here. Hopefully, our candidates will not resort to that. Napakasama naman noon (It is too evil),” giit ni Albayalde.

 ?? AP ?? MAY DUGONG PINOY? Sinampahan na ng limang federal charges si Cesar Sayoc, na hinihinala­ng nasa likod ng pagpapadal­a ng mail-bomb sa mga Demokratik­ong pulitiko at mga kritiko ni US President Trump.
AP MAY DUGONG PINOY? Sinampahan na ng limang federal charges si Cesar Sayoc, na hinihinala­ng nasa likod ng pagpapadal­a ng mail-bomb sa mga Demokratik­ong pulitiko at mga kritiko ni US President Trump.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines