Balita

2 holdaper tigok sa shootout

- Bella Gamotea

Bulagta ang riding-in-tandem matapos umanong makipagbar­ilan sa mga pulis makaraang holdapin ang isang babae sa Pasay City, kahapon ng madaling araw.

Inilarawan ng awtoridad ang isa sa mga napatay na nakasuot ng itim na T-shirt, asul na maong pants at tsinelas habang ang isa pa ay nakasuot ng itim na T-shirt, maong pants, tsinelas at may tattoo sa leeg at kanang braso.

Kinilala naman ang biktima sa alyas Mika, ng Pablo Street, Barangay 38, Pasay City.

Sa ulat ni Senior Supt. Noel Flores, hepe ng Pasay City Police, naganap ang engkuwentr­o sa kahabaan ng C-5 Extension, Bgy. 201 ng nasabing lungsod, dakong 4:40 ng madaling araw.

Una rito, tinutukan umano ng baril ng dalawang lalaking sakay sa motorsiklo, walang plaka, ang biktima bago tinangay ng kanyang dalawang cell phone at P1,000 cash sa panulukan ng Cinco de Junio at Arnaiz Sts., bandang 3:30 ng madaling araw.

Tumakas ang mga suspek patungo sa EDSA habang agad na nakahingi ng tulong ang biktima sa mga tauhan ng Station Drugs Enforcemen­t Unit (SDEU) at Intelligen­ce Section, na tiyempong nagsasagaw­a ng anti-criminalit­y operations sa lugar.

Nagkasa ng hot pursuit operation ang awtoridad laban sa mga suspek hanggang sa makorner ang mga ito at nauwi sa barilan at tuluyang tumimbuwan­g ang dalawa sa C-5 Extension.

Narekober sa mga suspek ang dalawang .38 caliber revolver, apat na selyadong pakete ng umano’y shabu at walong basyo ng bala ng .9mm caliber pistol.

Patuloy na inaalam ang pagkakakil­anlan ng mga suspek.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines