Balita

‘Halik’ mas maingay na sa ‘Ang Probinsyan­o’

- Ni REGGEE BONOAN

GRABE na talaga ang seryeng Halik dahil mainit talaga itong pinaguusap­an kahit sa ibang bansa. Masyado silang apektado sa karakter nina Yam Concepcion, Yen Santos,

at Sam Milby dahil pinagtutul­ungan

nila si Jericho Rosales.

Aliw kami sa nag-chat sa amin: “Idol ko si Sam, pero ang bad niya, ayaw ko na sa kanya. Galit ako!” Bakit kami aliw? Kasi ibig sabihin napaka-effective na bad boy ni Samuel Lloyd, dahil halos isumpa siya ng mga nanonood ng Halik sa karakter niyang si Ace.

Sa social media ay trending din ang Halik, lalo na ‘yung episode na nagkita-kita ang apat sa pa-dinner ni Yen sa bahay nila, para raw magkaalama­nan na. At nung ginulpi ni Amy Austria si Yam, panalo rin ang mga komento.

Samantala, si Ria Atayde, bilang si Baste, ay nagtapat na sa nanay ni Lino (Echo) na si Dolor (Amy) na nakita nga niyang naghahalik­an sina Ace at Jade.

Tinanong namin si Ria kung ganito siya sa totoong buhay, kung may insidente nang nahuli niya ang girlfriend o asawa ng kaibigan o boss niya na may kabit, at kung magsusumbo­ng din ba siya.

“I tell my friends everything in real life. Unless it’s super sensitive,” sabi ng aktres.

Hayan, warning sa lahat ng friends n i Ria, huwag kayong magpapahul­i sa kanya, dahil tiyak na ibubuking niya kayo. Ha, ha, ha!

Going back to Echo, ang ganda ng eksenang nahuli niyang naghahalik­an sa bar sina Ace at Jade. Pinanood muna niya ang dalawa habang tumutulo ang kanyang luha, sabay naupo siya sa harapan ng mga ito na hindi naman namalayan ng dalawa hanggang sa marinig ni Jade ang boses ng asawa at bumitaw siya kay Ace.

Nagdilim ang paningin ni Lino at pinagsusun­tok si Ace, na nawalan ng malay samantalan­g nag-iiyak naman si Jade.

Ang ganda ng tanong ni Lino kay Jade: “Anong ginawa ko sa ‘yo? Ibinigay ko ang lahat!”

 ??  ??
 ??  ?? Yen
Yen
 ??  ?? Yam
Yam
 ??  ?? Jericho
Jericho
 ??  ?? Sam
Sam

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines