Balita

Pia Magalona, dawit na sa awayang Elmo-Janella

SINO ANG MAY BORDERLINE PERSONALIT­Y DISORDER?

- Ni NITZ MIRALLES

BAGAMAT walang binanggit na pinatutung­kulan, dahil sa tweet ni Pia Magalona ay muling uminit ang isyu sa pagitan nina Elmo

Magalona at Janella Salvador.

Ang daming nag-comment: proat anti-Elmo, at pro- at anti-Janella.

“In borderline personalit­y disorder, devaluatio­n often alternates with idealizati­on. They may shift from great admiration for a loved one—idealizati­on of that person—to an intense anger or dislike towards that person— devaluatio­n of that person,” tweet ng mommy ni Elmo.

Comment ng pro-Elmo, parehong nasaktan sina Elmo at Janella. Mas masakit lang daw ang nangyari sa aktor dahil ipinahiya ito ni Janella sa nalathalan­g interview ni Ricky Lo sa aktres.

Dagdag pa ng mga mas naniniwala kay Elmo, unang sinampal ni Janella si Elmo bago nasaktan ni Elmo si Janella dahil sa selos. Nakainom din daw noon si Janella. Sana raw, pati ‘yun ay sinabi ni Janella sa interview sa kanya para fair ang lahat.

Sumagot naman ang supporters ni Janella. Sabi nila, granted na may kasalanan si Janella kaya nasaktan ni Elmo, hindi pa rin niya deserve ang saktan verbally or physically.

May payo naman ang may Twitter handle na si @Felizia566­58229 kay Pia: “Don’t let Elmo do the public apology, for what? He did already say sorry to the mother, in person and already talk to the girl. He did the right thing that’s it. Don’t degrade himself, he didn’t do wrong to the whole world. Truth will prevail, always pray for Elmo.”

May mga naniniwala­ng si Elmo ang gustong tukuyin ni Pia sa kanyang tweet. Hindi lang daw nito madiretson­g may mental problem ang anak. Umaasa naman ang may Twitter handle na @Princess Peachi Pichi na “Elmo is getting treatment for his Borderline Personalit­y Disorder (BPD) at alcohol issues.”

Wala kaming makitang masama sa pagpapahay­ag ng saloobin ng dalawang kampo, pero parang OA na ‘yung nabasa namin na pinagbanta­an si Elmo na sasaktan kapag nakita sa labas.

Wala kayong karapatang saktan si Elmo at hindi n’yo isyu ito, kaya ‘wag kayong makialam. Hayaan nating lutasin ng mga kinauukula­n ang isyu nila.

 ??  ??
 ??  ?? Pia
Pia

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines